#############
Chapter 35 *Last time*
"Kung nandun ako. Ay lintek mata niya lang walang ganti. Hindi ko akalain na kaya niya yung sabihin sayo! As if naman na nakakatakot siya! At isa pa 4 years na tayong magkakaklase tapos nagawa niya yun! Ang kapal!"
"Irish. Beshy. Kalma pwede? Tapos na o."
"Sorry naman. Nakakainis lang kasi diba. Arg! Pasalamat siya may meeting kami nun."
"Okay na nga diba? O inhale exhale na."
"Sira!"
Pinuntahan pa talaga ako dito ni beshy sa bahay. Kanina kasi hindi na ako nakapasok sa last subject. Hinatid na kasi ako dito ni Nathan ko after nung incident na nangyari.
Kapag naaalala ko yung nangyari kanina hindi ko alam kung maiinis ba ko o kikiligin eh. Panu ba naman kase! Si Nathan sinigaw sa buong classroom at take note may mga nagdatingan pang ibang section at year level na kaming dalawa na. As in mag boyfriend at girlfriend! Sobrang pula ko ata nun as in!
"Wala kang karapatang saktan ang mahal ko!"
Recall ng recall sa utak ko yang mga salitang yan na sinabi ni Nathan kay Dannielle nung sasampalin niya ko. First time ko din nakita na ganun yung mata niya,as if Dannielle killed? Grabe talaga ang intense! Napa-whow na nga lang yung mga tao sa paligid at pagtapos nun hinila na ko ni Nathan ko palabas ng room. Parang teleserye lang.
"Kinakabahan lang ako for tomorrow. Anu nalang mangyayari sa'kin sa room? Kung hwag na lang kaya ako pumasok?"
"Ha? Tae mo. Kasama mo naman ako ah! Dapat nga sila Dannille at mga kagrupo niya ang mahiya eh. Gumawa pa ng eksena."
"Pero malamang sa alamang nyan usap usapan yung nangyari diba."
"Anu naman? Ayaw mo nun? Ang haba nga ng hair mo dun te eh. Teka ulitin ko lang sinabi niya ah,yung naabutan ko." she clears her throat. "Wala kang karapatang saktan ang mahal ko!" sinabi niya yun sa tonong mababa. Ginagawang panlalaki. haha. "Ano kuha ba? Iiiihhhh nakakakiliiiig!!"
"Haha. Abno ka talaga!"
---
Kinabukasan wala na kong nagawa kundi ang pumasok pa din sa school.
Pagdating ko sa room okay naman ang lahat. Walang usap usapan. Walang tsismisan. Back to normal kumbaga. Sila Dannielle hindi ako tinitignan. Malamang mga galit pa din yan sa'kin. Pero hayaan na,magsama sama kami hanggang end ng school year.
Lunch break na kaya nag aayos na ko ng gamit kasi pupunta na kami ni beshy ng canteen.
"Beshy gusto kong icecream." sabi ni Irish habang ako nililigpit ko lang tong libro kong nakakalat.
"Ako din. Kaso mas gusto ko ng rice,nakakagutom yung discussion,ang haba. haha. Okay tara na."
"Ok."
Palabas na kami ng room ng makita ko ang napakagwapong nilalang na nakangiti sa akin na nakasandal sa gilid ng pinto. Nginitian ko na din siya.
"Sabay sabay na tayo." :) sabi ni Nathan.
"Ok." lumapit ako sa kanya. Nang magkadikit na kami parang nararamdaman ko na may humahawak sa kamay ko.
Shet! Hinahawakan niya yung kamay ko! Iiiiiiiihhhhhhh!!!
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...