#################~
"A-ano ahm,kumakain ka ng siopao?"
Chapter 7 *i.love.Siopao!*
Iniba ko yung usapan. Masyado na kasing private eh. I dont want this awkward feeling. Eer. Bunganga ko kasi eh.
"Hindi. Hindi ko kasi gusto lasa."
"Eh? Talaga?? Sabi daw masarap yan eh.." aha.May naisip ako.. "Manong paorder pa nga pong isang siopao." :)
"Ikaw kakain niyan ah." napatingin siya sakin. Waaaaah. Ang cute niya. Parang ayaw niya nga! haha. Ako bahala.
"Ito na iha oh." :) sabi ni manong. Kinuha ko na yung siopao tapos nilahad ko yung kamay ko palapit sa kanya habang hawak ko yung siopao.
"Ep ep. Ayoko niyan. Hindi ko talaga gusto lasa." nag act pa siya na nasuka kunwari. Hayaaa! Ang cute! (haha.Parang bata lang nasa harap ko,kung makacute ako.) XD
"Ano kaba masarap daw to. Tikman mo muna." :) haha.Natutuwa talaga kooo. Ang sarap niya pilitin! Hihi
"Sure ka?"
"Uhm. hm yea!" nag aalinlangan pa ko hanep! Sana hindi niya napansin. Pero basta ang gwapo niya. IIIIHHHH!!!
"Okay sabi mo eh. I trust you." :) Uwaaaaaah ano daw?? i.trust.you?? Nalakaguilty!! Sana masarapan siya. Kinuha na niya yung sipao sa kamay ko. Nakatingin lang ako sa magiging reaction niya.
"Err." ngumiwi siya. Aw! Sabe na eh. haha. "Its good?" anu daw? masarap daw,o tinatanong niya ko??
"Eh?" ang gulo ng muka niya. haha. Pati tuloy ako naguguluhan.
"Masarap naman kako. O ikaw tikman mo,tapos ubusin mo na din." :)
"He-he. Ubusin mo na. Hindi ako kumakain niyan eh." sabi ko.
Yung nakangiti niyang muka kanina na ewan ko ba kung pilit o ano e napalitan ng poker.
"He-he." hindi naman kasi ako kumakain din ng siopao eh. Pinasubok ko lang sa kanya. Kaya sabe na eh,hindi nga masarap. Hihi.Pareho kame ng ayaw. Meant to be no? Waaaaah. ^0^
Nathan's Point of View
Napatulala ako sa sinabi ni Gerry. Hindi din pala siya kumakain ng siopao,pinilit pa ko. "Kinain ko pa naman kasi akala ko nasarapan ka.Yun pala hindi ka din kumakain."
"Sorry na. Pinatry ko lang naman sayo eh.Sabe na eh,di ka din masasarapan.Haha."
"Masaya ka pa ah. Akala mo ako lang titikim?? Dahil inorder mo to,uubusin mo to." sa sinabi ko napa tulala siya. Biro lang naman yun, pinagtripan niya ko,kaya gaganti ako. >:D
"Luuuuh. Kahit hwag na. Hehe. Kala ko ba masarap? De ubusin mo na. Hehe"
"Oo nga masarap,kaya tikman mo." nilapit ko sa kanya yung siopao. Ang cute niyang tignan,para siyang bata na pinapakain ng gulay na ampalaya. :D
"Eeeeeh. Ayoko nung tinapay niyan,ang panget ng lasa eh."
"Hay. O sige di na kita pipilitin." :( naglungkot lungkutan ako,sana effective.
At shoot! Muka ngang effective. "Akin na nga. huhu"
Kinuha na niya sakin yung siopao saka siya nagumpisang kumagat.
Kaso nung kakagat na siya bigla syang tumingin sakin.
Iba naiisip ko sa tingin na yan ah.
Gerish Point of View
Kakagat nalang ako sa siopao,may naisip akong idea. Bwahaha.
"Diba masarap.??" tumayo ako tapos tinapat ko sa bibig niya yung siopao.
"Gerry!!" napasigaw siya. Pero wala syang nagawa kundi kainin nalang to lahat.
"Hehe. O di ayan, ubos." pinagpag ko pa yung kamay ko... pinilit ko lang naman na ubusin niya. Pumunta kasi ako sa likod niya tapos tinapat ko yung siopao.Pigil na pigil pa yung kamay niya eh. Bwahahaha Ang gwapo niya shemaaaay! Nakapout pa kasi siya. Pero hindi ngusong nguso ah,pang bakla naman yun!....parang nagtatampo lang siya. Kaya ang kulit niya tignan. :DD
"Ang sweet niyo naman. Bagay talaga kayo." sabat bigla ni manong. Nagblush ata ako sa sinabi ni manong. Naman kasi naman eh. Umupo nalang ulit ako sa tabi ni Nathan.
**kroo kroo kroo**
Ang awkward ata. Si manong naman kasi eeeeh.
Pagkatapos namin kumain nagbayad na siya. Sabi ko nga ako na magbabayad nung kahit siopao lang e sabi niya siya na daw and he insisted.
"Hanep na siopao yan,nabusog ako." pagbabasag niya sa katahimikan. Naglalakad na kami malapit na sa may village namin.Sabi niya kasi hatid na daw niya ako eh.
"Haha. Ayoko kasi dun yung tinapay eh.Basta di ko maexplain pero nakakasuka kasi. Pasensya kana ah. Kala ko kasi ikaw magugustuhan mo eh."
Hindi siya nagsalita,napayuko tuloy ako. Ang epal ko kasi eh. Masyado na ata akong FC. hay. (Feeling Close)
>///<
Nagulat ako!
Kinurot kasi niya ko sa ilong. Yung madahang kurot lang.
Kaloka! FEELING KO NAGBABLUSH NA NAMAN AKOOOOO! >///<
"Okay lang yun. Masarap nga eh. Nabusog ako kaso last ko na yun hehe...Ang lapit lang pala ng bahay niyo no?"
"Oo, mga dalawang block lang din kapag simula dito sa gate." nasa may labas na kasi kami ng gate eh. "E ikaw malayo pa. Sige na umuwi ka na. Dyan lang yung sakayan oh. Magjijeep ka pa diba?"
"Yap. Panu mo nalaman?"
Uh-oh. Panu nga ba?? Kasi dati sinundan ko siya? Nyak! Hindi naman pwede yun yung sabihin ko. "Ahm.Hula ko lang. Kasi may kotse ka diba,e wala kang dala ngayun kaya ayun."
"Aaah. Nasa dad ko kasi yung kotse kaya magkocomute lang ako. Sigurado ka safe kana pagpasok dyan?"
Uwaaaaaah! Makapag tanong to! Feeling ko boyfriend ko siya!yaaaaaah. Nakakatuwa naman. Ang puso ko ang puso ko!!
"Haha. Anu kaba,oo naman. Madaming guards dyan no. Ikaw ang hindi safe,gabi na kasi oh...mag iingat ka ah. Salamat pala sa treat,naapreciate ko." :) sobra sobra pa nga eh!
"Sige una na ko. Bye."
"Bye."
Para kong lutang na naglalakad papasok sa village. Uwaaaah. Kahit kailan hindi ko makakalimutan ang araw na to. Bitin nga lang ako. Pero SOBRANG SAYA KO. YUNG PUSO KO UMAAPAW SA KALIGAYAHAN!! Sabihin ng over acting ako pero ganto talaga nararamdaman ko. ^0^
Bago ako umuwi,dumaan muna ko sa bahay nila beshy. Nagkwento ako sa kanya. Parang hindi ko na kasi kakayanin ang kilig mag isa. Kailangan ko ng malalabasan ng nararamdaman.
Apat na araw na din ang nakaraan. :( Nalulungkot ako kasi hindi ko na nakikita si Nathan. Palagi kasi syang may practice kaya exempted siya sa klase pati na din ung mga kasama niya sa team. Hay. Kung kailan ko naman siya naging ka close saka pa siya walang time.
Ang jump masyado sa situation no? Alam niyo yung,im expecting. Expecting something. Napaka hipokrita ko naman kung hindi ko manlang isipin na sana,siya din may gusto sakin.
Gusto kong isipin na sana may gusto din siya sakin. Kasi parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Kaso sana, sana maging totoo mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...