Chapter 38 *Banner*

232 2 0
                                    

###############~

Chapter 38 *Banner*

>Text Message: Nathan ko

Gerry ko. Bukas ah. Hwag mong kalimutan. Baka matalo kami kapag hindi ka nagpunta. Wala akong lakas eh.<

Awushu. Grabe talaga to magpakilig. Kahit sa simpleng text lang kinikilig na ko. May game kasi sila bukas,kalaban yung tiga ibang school pero sa school namin gaganapin.

*ringing*

"Oh Nathan?" kakatext lang tumawag pa. Narinig ko naman syang bumuntong hininga. "Bakit? may problema ba?"

[Ang tagal mo kasing magreply. Akala ko may nangyari ng hindi maganda.]

"Paranoid much?" tinitigan ko pa kasi yung text niya eh. Malay ko bang mag aalala to. "Ikaw talaga."

[Basta bukas ah.]

"Oo na po. Ako pa ba? Mawawala bukas? Hahayaan ko bang manghina yung Nathan ko?" narinig ko syang natawa sa sinabi ko.

[Haha. Oo nga naman. Basta I love you ah.]

 "Oo na.Pasalamat ka I love you din!" 

 [O sige na. Goodnight. Baba mo na.]

 "Ikaw na mauna."

 [Ikaw na.] Eto na naman kami. Nagtatalo kung sinong unang magbababa.Haha. Mga abno talaga.

Binaba ko na. Panigurado hanggang mamaya kami nyan kasi ayaw nya na sya unang magbababa eh.

***

Gumising kaagad ako ng maaga. Para i-goodluck yung boyfriend ko para sa laban niya later. Tapos gumawa ako  ng banner. Lanya,ang hirap. Hirap talaga kapag hindi artistic oh.

Pagbaba ko kumain na ko tapos naligo nagbihis at yun,gora na. Si beshy,nauna na. Remember? Cheeleader ang maganda kong beshy.

Sasakay nalang ako ng tricycle ng-

ASDFGHJK! Pwedeng magmura?!

"Ano ba yan!!!" nasira yung banner ko dahil sa bwisit na lalaking biglang nakipag unahan sa'kin sa trike!. Tinignan ko siya ng masama. Tae naman oh! "Ang dami daming trike nakikipag unahan ka! Tamo, nasira tong ginawa ko! Ang hirap hirap nitong gawin eh!" badtrip!!

Bumaba siya ng trike tapos nag sorry sa'kin.

"May magagawa ba yang sorry mo?!"

"Grabe. Ang laki ng pinagbago mo. Sumisigaw ka na ng hataw." sabi niya kaya napa ewan yung tingin ko sa kanya. Nagsalubong yung kilay ko.

"Kilala ba kita?" mataray kong tanong. Ewan ko nabadtrip talaga ko eh. Para kasi kay Nathan ko to eh. Nahirapan ako gawin tapos napunit lang. Sa cartolina ko lang kasi nilagay eh. Aaaarrrggg! Naiinis talaga ko!

"Hi miss." sabay kindat nyang sabi. Lalong nagdikit yung kilay ko! Putek! Manyak pa ata to!

"Manyak!" sigaw ko tapos sumakay na ko ng trike. "Manong sa school lang!"

Hindi ko na nilingon yung lalaki. Kadiring yun!

Pagdating ko sa school,nagmadali akong pumunta sa room namin. Tapos tinignan ko kung maaayos ko pa tong banner ko. Huhu. Naiiyak ako . Tae kasi eh, promise nahirapan akong gawin to. Ganun talaga kapag hindi artistic,masyadong nahihirapan.

After 100 days! Sa wakas,natapaltapalan ko lang yung sira. 

Nakasalubong ko pa sila Lyna. Hinanap daw ako sa kanila ni Nathan. Asus. Kinilig ako tae. To namang si Nathan.Sabi ko naman na manunuod ako diba. Wala kasing pasok ngayun kaya ayun,baka daw hindi ako pumunta.Grabe talaga siya. Buti nalang talaga si Nathan ko siya at nakakapagtimpi pa ako,kundi nilapa ko na yun! Haha. XD

Pagpasok ko sa gym. Nakita ko sila Janica (yung president ng room namin.) Taray, nanunuod din siya. Lumapit ako sa kanila ng mga kasama niya. Wala kasi akong kasama e.

Si Manuel naman, ayun nasa mga kaklase niya. Haha. Natawa ako nung sinabi niya sakin na "distansya daw sabi ni Nathan. Kaya hwag mo na kong lapitan. Susuntukin daw niya ko. Lupit!' kaya eto, di na ko sa kanya masyado sumasama. Ayoko namang masyadong maging malupit. Baka maisip pa na may pag-asa siya diba. Oo na, ako na mahaba hair at mahirap kalimutan! Lol.

"Wooooo. Nathan ko!!! Ang galing mo!!" sigaw ko habang nakatayo hawak hawak yung banner na gawa ko. Kaso ang daming may banner din. Kainis. Gusto ko ako lang mapapansin niya e. Sa dami kasi ng nagsisigawan halos di na niya ko madinig. Kaya umupo nalang ako. Huhu. Di din naman ata niya ko nakikita e. 

"Reading ready Gerry a." sabi ni Lyna na nasa tabi ko.

"Haha. Syempre naman. Kaso di naman halata." kasi nga hindi ako nakikita ni Nathan KO. 

E kung tumabi kaya ako sa nagchi-cheerdance sa baba? Baka sakaling mapansin niya ko. Haha. Ang gaganda kasi ng nagchi-cheer e. Nakakatomboy! lol. 

Pero hwag na. Kung meant to be naman talaga na makita niya ko,mapapansin naman niya ko diba?

Jusko,nagpapaka-emo na naman ako. Pero buti nalang tambak yung kalabang school. Wooo. Galing talaga ng east player o,number 17 kulay red varsity pangalan Nathan ni Gerry! Hahaha.

"Ayan,ipapasok na ata east player ng kalaban." si Janica. Nag time out kasi yung kalaban.

"Dapat kanina pa nila pinasok. Kung kelan 3rd quarter pa." sabi naman ni Lyna. Oo nga naman. Napapatango nalang ako sa usapan nila.

Nang mag sstart na ulit yung game,may lumabas sa court na lalaki. Malamang lalaki. Haha. Gerry talaga o. 

"Shocks. Ang gwapo naman ng east player nila!!" nagtayuan pa mga tao pati tong mga kaklase ko sa tabi ko. Hanep na yan,anu bang laban? Basketball o pagwapuhan? Syempre kahit ano sa dalawa panalo pa din ang team ng BOYFRIEND ko no! Haha

Ang ingay sa crowd. Tae, parang kinikiliti mga lalamunan nila. Habang ako,kanina ko pa iniisip kung saan ko nakita yung lalaking kakapasok palang sa laro na sinasabing east player ng kalaban.

>"hi miss."<

O.O

Halaaaa. Siya yun! Siya yung walang modong sumira sa pinaghirapan kong banner. Anak ng tipaklong na may pakpak naman o!

##

Janjan

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon