Chapter 40 *Mik-mik.*
Irish POV
"Akala mo naman kinaganda niya yun." -Dannielle
"Oo nga. Sayang talaga hindi ko siya napatid." -Rona
"Yea right. Ang tanga mo kasi." -Pau
"Oy Pau! Line ko yon! Ambisyosang to!" -Dannielle
"Sorry naman." -Pau
Natatawa na lang ako sa naririnig ko sa tatlong mukang clown na to. Pati sila mga nagpaplastikan!
"Kawawa naman kayo no? Muka kasi kayong mga baliw dyan." nagulat sila sa sinabi ko pero agad naman nila kong tinignan ng masama. Sabay sabay. Pero tumawa ako ng pang-asar. "Inggit kayo sa bestfriend ko? Grabe naman, mga inggiterang frog!" balak pang patidin si beshy. Buti nalang hindi nagawa. Iiihhh. Nakakakilig si Nathan kanina a. Infairness.
"Hoy. Sinong inggit?! Baka ikaw. Aw kawawa,tinalo pa ng kaibigan nyang mahinhin."
Aba ang kapal--
"Sinong tinalo ng kaibigan?" o.o nakakagulat naman tong si Mj. Bigla biglang sumusulpot. Babanatan ko na dapat tong Dannielle na to e, ang kapal! Tsk! "Uwi na tayo,Ri." t-teka.
Hinawakan ni Mj yung kamay ko sabay higit sakin palabas ng gym. Lumingon ako kayla Dannielle na nanlaki din ang mga mata.
Dugdug dugdug. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Shocks, nakatingin lang ako sa kamay ni Mj na nakahawak sa kamay ko. Shocks, hanggang ngayon ba gusto ko pa din siya??
Gusto ko mang patagalin ang kamay niya sa kamay ko pero hinigit ko na.
"Uy Mj. Bakit ba bigla bigla kang susulpot dun tapos manghihila,ha?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Baka kasi mapagtulungan ka dun e." nagkibit balikat pa siya.
"Ako? Mapagtutulungan. Ay grabe. Muka ba kong kaapi api??"
"Hindi. Muka ka lang mabait."
Dugdug dugdug.
"H-huh?"
"Tss. Tara na kako. Hatid na kita."
"Bakit?"
"Bakit hindi?" napa ewan muka ko sa sagot niya, siya naman natawa pa onte.
"Kaya kong umuwi Mj." sabi ko ng malumanay. Hindi pa naman madilim a. Tsaka bakit?? First time niya kaya to sinabi, na ihatid niya ko kahit hindi pa gabi. Sinabi kaya ni beshy to sa kanya?
"Tsk." nagkamot pa siya ng ulo. "Hindi mo pa ba nagigets? Gusto kitang ligawan ok? Ri,liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo."
Hindi ko alam kung nakanganga na ba ko sa mga sandaling to.
LILIGAWAN NIYA DAW AKO?? Sa gusto o sa gusto ko?? Hahaha.Oo gusto ko!! XD
Pero--
"Bakit?" yan na lang ang nasabi ko.
"K-kasi... aissh! GUSTO KITA!"
Gerry's POV
"Kailangan talaga dun? Alam mo namang madaming tao." naglalakad kami sa corridor nitong school. Wala ng masyadong tao,wala naman kasing pasok ngayon pero kagagaling lang namin sa dressing room. Picturan syempre. At nagulat pa ako a, feeling ko kasi instant celebrety kami,e pano may nagpapicture saming dalawa ni Nathan. ^3^
Humarap siya sakin.
"Gusto ko kasi ipagsigawan sa harap ng madaming tao na...mahal na mahal ko ang girlfriend ko." niyakap niya ko pagkasabi niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Pareho kami. Parang musika tuloy ng banda! Haha.
"Sorry kasi wala akong regalo."
Tinignan niya ko sa mata. Sabay pisil sa ilong ko. Amp!!
"Sapat na sakin na nanuod ka sa game namin. Dahil kaya dun kaya nanalo ako, kame." napa-pout ako kasi,anu bang meron sa ilong ko? Lagi nalang nyang trip pisilin.
"Naman eee. " pitikin daw ba ako sa noo.
"Hwag ka ngang gumanyan. Natetemp ako." sabi niya.
Eh? Natetemp? "Bakit anong ginawa ko?"
"Wala. Basta hwag ka nalang ngumuso." promise,napaewan yung muka ko sa sinabi niya.Hindi ko gets. =___="
Hinawakan niya yung kamay ko pagkasabi niya tapos nagstart na ulit kaming maglakad. Anu kaya yun? Ang panget ko siguro pag nagpa-pout. Aw hard. Lol.
"Tuyo ata kamay mo ngayon?" sabi niya tapos hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko,naka-entwined pa. Ehe,kilig much.
"Punulbusan ko kasi. Nahiya ako sayo e." natawa nalang kami pareho sa sinabi ko.
Papunta kami ng classroom. Kukunin niya kasi yung sapatos niya.
"Teka cr lang ako Nathan ko." paalam ko sa kanya.
"Sige. Ako nalang kukuha." tumango lang ako tapos kiniss niya ko sa chicks.
**
Papunta na ko kay Nathan ng may makita akong hot na lalaki na nakasandal sa may pader dito sa corridor. Teka, may sinabi ba kong hot? Erase erase, nagkakasala ang utak ko. Lagot ako kay Nathan. Eer.
Lalampas na dapat ako sa kanya pero may sinabi siya kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo na ba talaga ako naaalala?" Eh? Tinignan ko siya ng mabuti. Siya yung east player ng kalaban nila Nathan a. AT ang sumira ng pinaghirapan kong banner. -___-
"Huh?" umiling ako. "Baket? Sino ka ba?" ang gwapo niya, wala lang, ang gwapo e. Natitigan ko kase.
"Gik-gik, makakalimutin ka na talaga." (Gik-gik pronounce as jik-jik.) tinanggal niya yung pagkapamulsa niya kanina at tinalikuran na ako. Aalis na ata.
*Loading.....* Oops! Brain damage!
"Mik-mik?" bulong ko. Tama ba? Siya nga ba si Mik-mik? E ang gwapo naman niya. "Mik-mik!" sigaw ko. Medyo malayo na siya pero narinig pa din niya ako kaya napalingon siya. Ngumiti pa ng pagkalapad-lapad. So, siya nga?!
"Tama ba??! Ikaw nga si Mik-mik?!" isa lang kasi tumatawag sakin ng Gik-gik, si Mik-mik lang! Tumango siya ng nakangiti.
"MIK-MIK!!!" tumakbo ako at niyakap ko siya ng bonggang bongga! Kulang nalang iikot niya ko para mas bongga pa!! Yaaaaa!
###
Janjan
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
Lãng mạnGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...