"Hwag mo siya tignan. Baka mapansin na tinitignan natin siya. Nakakahiya" sabi ko sa beshy ko na si Irish. Nasa di kalayuan lang si crush. Baka mapansin nyang nakatingin kami sa kanya.
Baka mamaya isipin niya crush ko pa siya. Haha.
"O sige hindi na." aniya. Tumingin siya sa kabilang side. Good girl beshy. Nahalakhak kami, para kaming mga timang.
Gumanda aura ko ngayon ah. Nandito kasi kaming dalawa ni beshy sa gym. Kakatapos lang ng klase tapos may practice game yung players ng basketball team sa school namin. Kaya eto nanuod kami.
"Umuwi nalang kaya tayo. Ayaw mo naman ako patinginin,panu kaya ko makakanuod ng maayos." humalukipkip pa siya.
"Haha. O yan,wala na siya... Pwede ka ng tumingin." nasa tabi lang kasi namin SIYA medyo kanina. Water break ata nila yun.
Shems! Kinikilig ako! Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Ang gwapo niya!!
"Bakit ba kasi ayaw mong may makaalam na crush mo yang si Nathan ha? E hindi ka naman nyan kilala." bulong ni beshy.
Oo nga hindi niya ko kilala, sakit lang ah.Ipagngalandakan pa. Hindi niya ko kilala kaso kasi... "Syempre nakakahiya pa din. Wala kabang ganitong instinct? Its a girl instinct duh"
"Kung saktan kaya talaga kitang babae ka. Anung instinct dun? Parang wala naman. Tsaka hello beshy ah,crush lang? Ang oa mo talaga. Tsaka ang dami dami namang may crush dyan kay Nathan"
"Huy anu ba. Hinaan mo nga boses mo. May makarinig sayo. Basta ayoko lang malaman niya!"
Baka lumayo kasi siya sakin. O kaya naman wala lang sa kanya.Masakit kaya yun. Malaman mong walang paki sayo yung taong gusto mo.
"Hay watever."
Ako Gerish Sison. Currently 3rd year highschool this year. At yung kasama ko kanina si Irish. Galing no? Magkatunog pangalan namin. Actually madalas nga kami mapagkamalang mag ate eh. Haha Ako ate niya (Mas matangkad ako eh) dahil lagi kaming magkasama.
Kasalukuyan kaming nagkikwentuhan ng magsigawan yung mga tao dito sa gym. Yung bola daw. Yung bola. Paulit-ulit sila.
"Omg. Beshy!!" papunta sa pwesto ni beshy yung bola! Huli na ang sigaw ko kasi, natamaan na siya ng bola!
"Beshy beshy,dumudugo ilong mo. Oh my god" ohmgygod! anong gagawin ko!! Natamaan ng bola si Irish.
Ghad parang umiikot yung paligid ko nung makita ko siyang may dugo. Nakahiga siya at may dugo yung ilong! Nahilo ako bigla at tumaas ang mga balahibo ko. Ayoko ng dugo!!
Nahihilo na talaga ako.
After that many people surrounds us. May kumakausap sa'kin but it so blurd. I can't recognize him....I cant move... Then everythings went black.
##
Janica
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomansaGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...