Chapter 29 *Flower*

271 3 2
                                    

Chapter 29 *Flower*

Gerry's POV

Good mood.

Good vibes.

Fresh feeling.

Many to mention butterfly feelings.

Ayan, mga nararamdaman ko. ^_^ Haaay. Ang sarap humiga sa kama. Sa malambot na kama. Tapos MAGPAGULONG GULONG!! 

Aaaaaah!!

KINIKILIG AKO!!!

Sa sobrang kilig ko,itong unan ko piping pipi na! Tinatakpan ko kasi yung muka ko! Sobra kasi akong kinikilig eh. 

Nakatitig lang ako sa rose na binigay niya sa'kin.

Ah! Nalalanta na agad!

Kumuha ako ng flower vase tapos tinanggal ko yung fake na flower dun saka ko nilagyan ng tubig tapos nilagay ko yung rose na bigay ni Nathan ko. Emegheeeesh!! Ang ganda,ang bango ng bulaklak na to! Sana hindi malanta.

Hay. Para akong lumulutang. Sana sa pagtulog ko at pagdating ko sa dreamland nandun pa din si Nathan.

Nathan. Nathan. Nathan.

Gusto ko mang sagutin ka na,ngayun na. Agad agad! Hindi pa pwede. 

Sabi nga nila. Mas nagtataggal kapag pinaghihirapan.

Wala na sana kong problema kung sana hindi ko pinayagang manligaw sakin si Manuel. Ugh. Ang budang ko kasi eh! Gumagawa ako ng hakbang para makasakit ng tao. 

Bukas na bukas. Kakausapin ko na si Manuel. Sana maintindihan niya ko.

Pero joke! Di pala bukas. Saturday bukas eh. Wooh! Pahinga. 

---

"Anak bangon na dyan."

"Anung oras na po?" tanung ko habang nakapikit pa.

"Alas-otso na."

"Ma naman eh. Ang aga pa. Wala namang pasok ngayun diba." umikot ako sa higaan ko tapos nagtaklob ng kumot. "Mamayang 10 nalang ako babangon ma,sige na."

"O sige. Sabihin ko kay Nathan,bumalik nalang siya ng alas-dyis anak ha." o.o  umuga yung higaan. Ibig sabihin tumayo na si mama.

Napabangon ako kaagad. Nakita ko si mama na hahawakan na dapat yung doorknob sa kwarto ko.

"Si Nathan nasa baba??" O.O

"Oo. Ano sabihin ko mamaya nalang siya bumalik?"

"Hindi ma. Eto gising na pala ko. Pakisabi pababa na." dali dali akong pumunta sa may banyo. Hindi ko na inantay sasabihin ni mama basta narinig ko nalang sumara na yung pinto.

Ghaaaaad! ANONG GINAGAWA NIYA DITO??! Kagabi lang pumunta na siya dito ah! 

Aaaaaaahhhh! 

Nagtoothbrush ako kaagad,naghilamos,nagpulbo tapos nagpalit ako ng pang itaas ko. Butas kasi yung pangbahay ko na to sa may bandang balikat,nakakahiya naman.

Pagbaba ko. Nakita ko siya na nakaupo sa sofa.

"Ang aga pa ah. Bakit ka napadalaw.?"

"Tanghali na kaya."

"Maaga pa to para sa'kin no. Walang pasok eh.haha... Kumain ka na?"

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon