#################
Chapter 38 *Banner part 2*
"Grabe ang cool niya. Kaso patay maaabutan na yung school natin."
"Tiwala lang Lyna. Magtiwala tayo sa team natin." napatayo ako sa sinabi ni Janica. Oo tama. Magtiwala sa team namin. Sus! Kayang kaya yan nila Nathan KO no. Sisiw! XD
"Mukang nakakahabol na ang kabilang koponan. Pero hindi pa din napapalitan ang pagka kampante ng grupo sa pangunguna ni Nathan Mendoza." -MC1
"Oo nga partner. Mukang mainit init ang laban. Pero madami ang nagtataka kung bakit ngayun lang pumasok ang east player ng kalaban." -MC2
"Marahil strategy nila yun partner."
"Yun! Mendoza got 3 points!" napatayo kaming lahat dahil sa tirang yon na ginawa ni Nathan. Yes! Astig talaga!!
***
"Woooooo."
"Ang galing niyoooo!"
"Pa-kiss east player! Ang galing mo talaga Nathan!!"
Hinanap ko yung sumigaw nung narinig ko. Kiss niya muka niya sa pader! Haha. Joke. Pero ang saya!! Nanalo team ng school namin! 156-142 score. Josko,wala namang binatbat yung sinasabi nilang east player ng kalaban! Lol.
Kaso haggang sa mag-end tong game pakiramdam ko hindi ako nadama ni Nathan. Sabi niya pumunta daw ako pero parang hindi naman niya ako hinanap. :( Kahit tignan lang sana tapos ngitian diba. Hay. Mas nakikita ko pa ngang nakatingin yung east player ng kalaban e. Eh?- Joke lang. Assumera ko naman,baka sa likod ko lang pala nakatingin.
Pero basta, nagtatampo ako kay Nathan ko. Sayang naman tong may heart heart pang banner na ginawa ko at kinulayan ko pa ng bonggang bonggang red at pink na may nakadikit na ginupit gupit kong letters na kapag binasa ay, 'GO NATHAN.ANG GALING MO!! I LOVE YOU!!'
Pagtapos kong itupi tong banner,uuwi na ko. Baka nga hindi na talaga ako maalala ni Nathan kasi kapag nanalo may party after diba.
"Uuwi ka na Gerry?" tanong ni Lyna.
"Oo." sagot ko habang nakangiti sa kanila ni Ja.
"Agad? Hindi mo manlang iko-congratulate yung boyfriend mo?" nangiti naman ako sa sinabi ni Janica. Nasabi ko na bang kalat na sa buong campus yung eksenang ginawa namin dati with Danielle?- basta yun. Kasi naman diba, magboyfriend ba naman ako ng sikat na gwapong basketball/east player ng school namin. XD
"Sa bahay nalang kapag umuwi na siya samin." natawa ako sa reaksyon ng muka nila sa sinabi ko. Mga lumaki mata.Lol. "Oy mga luka. Joke lang. Gusto ko sanang icongratulate siya kaso may pupuntahan muna sana ako." sabi ko kahit wala naman talaga akong pupuntahan. Ayoko namang sabihing nagtatampo kasi ako. Baka isipin nila ang arte ko.
"Ah. Sige sige ingat ka."
"Kayo din. Sige bye-" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nagulat ako sa nagsalita sa mic. Feeling ko nakanganga pa ata ako.
"Gerry ko! Bakit parang aalis ka na? Gusto mo bang humina ako bigla?"
"Wooooo!!! Haba ng haaair!!"
"Aaaahhh."
"Jackpot talaga!!"
"Ang swerte nila sa isat isa!!"
YUNG TOTOO?? GUSTO KO NG IBALOT TONG MUKA KO SA BANNER NA HAWAK KO NGAYON! Putek,capslock yan para ramdam niyong intense talaga!
Nasa taas kasi ako diba,sa mga bleachers habang siya katabi nung mga teamates niyang todo ngiti.
"Gosh Gerry! Kinikilig ako!!" -Ja
"Ako din! Grabe ikaw na te!" -Lyna
AKO NA TALAGA! Shet shet shet!! KINIKILIG AKO!!
Umiling nalang ako sa tanong niya habang nakangiti. Nakikita kong ang daking kinikilig kaso mas madami atang nabibwisit. Tse.Mamatay kayo sa inggit! Haha joke. Kasi naman,ang sasama ng tingin.
"Yun naman pala e. Pwede ka bang bumaba muna dito Gerry ko?" Aaaaahh!! Sige tignan mo pa ko ng ganyan!! Uwaaaa ano bang gagawin ko. Tae. Ang daming butterflies ng tyan ko,ang likot!
"Uy baba ka daw dun te." tinulak pa ko ni Lyna pababa,pero madahan lang. Kaya eto pababa na nga ako,at lahat nakatingin sakin. Shocks!! Nakakahiya!!
"Nathan. Ano ba to?? Nakakahiya." sabi ko agad sa kanya pagkalapit ko pero lalo lang lumawak ang ngiti niya.
Pumitik siya tapos may dumating na lalaki na may hawak ng flowers. Bah astig a.
"Gerry ko. Happy monthsary. I love you. Very much." napahawak pa ko sa bibig ko bago ko tanggapin yung flowers na binibigay niya.
"Thank you.I love you too." niyakap ko siya. "Nakakainis ka, ikaw talaga,lagi mo kong pinapakilig." sabi ko habang magkaykap pa din kami. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala man lang ako maibibigay sa kanya. Kasi naman,pati pala monthsary sene-celebrate. Pero uwaaa nakakakilig. Josko, ang effort naman be! =D
###
Janjan
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...