#########~
This is it! Sasagutin ko na siya!
Chapter 31 *What the?!*
Yeah! Inhale exhale. Nakapag isip na ko. Dahil na din sa lamig dito sa library,nakapag isip ako ng mabuti.
Anu naman kung 3weeks palang siya nanliligaw. Diba nga ang sabi sa ilang qoutes. 'Hindi ang panliligaw ang pinatatagal,kundi ang relasyon.' 2nd year pa lang pinapantasya ko na siya. After 2 years...after 2years of stalking him sa gym...now,he will be all mine,now!
Shet ang pangit pakinggan.haha.Kulang nalang tawang pang kontrabida eh. :DD
Anyway, im on my way papuntang gym. I guess nandun si Nathan,kung hindi niya kasama yung mga kaklase niya siguro kasama niya team mates niya.
Teka pano ko ba sasabihing 'yes'. First time ko to eh. Uh, 'Tayo na' parang ang common. Hmm 'Sinasagot na kita' Ugh! Bahala na nga.
"Si Nathan?"tanong ko sa isa nyang kateam pagpasok ko sa gym.
"Ewan ko lang. Kanina nandito lang siya." teammate1
"Baka nasa likod Gerry. Kung gusto mo puntahan mo nalang." teammate 2
"Sige salamat." :)
Kilala nila ko no. Ewan ko nga din kung bakit eh. Siguro kasi napapansin nila ko lagi dito sa gym? haha..
Na'san na kaya yun?
Baka nagpapalit.
"Oo ikaw talaga ang mahal ko." (male voice")
"Hindi mo alam kung gaano ako sumaya." (girl voice.)
Eh?
Anu yun?
Naxx. May nagkaaminan pa ata dito. :D
Masilip nga.
Hindi ako tsismosa ah.
Titignan ko lang naman i. haha
Sumilip na ako.
Kaso...
What the?!
O.O
Bakit parang kumirot ang puso ko. Parang ang sakit sa mata ng nakikita ko. Parang sinakluban ako ng lupa at langit.
Si Nathan at Irish. Magkayakap.
Gusto ko ng umalis dito sa kinatatayuan ko kaso parang naka-lock na yung paa ko dito sa may pinto pati na din yung mata kong ayaw maalis ang pagkakatitig sa kanila.
Pagtapos nilang magyakap. Ngumiti sila sa isa't isa. Nadudurog na talaga yung puso ko sa mga nakikita ko.
Tutulo na yung luha ko pero pilit kong pinipigilan kaso ang hirap. Napasinghap tuloy ako. Sabay naramdaman ko na may umagos na na likido na pisngi ko.
Napatingin naman sila sa'kin.
Buti naman nakaramdam sila.
"Gerry kanina ka pa dyan??" tanung ni Nathan.
Nanlaki mga mata nila.
Shet! Nagulat ko ata sila! >.<
"Uh" pinipigilan ko talaga yung boses ko na magcrack eh. "S-sorry ah. Nakaist-torbo ata ako. Sige alis na ko."
Tumalikod na ko sa kanilang dalawa. Kaso hindi pa ko nakakalayo may humawak sa braso ko.
Humarap ako sa kanya.
Si Nathan.
Grabe! Lakas ng loob hawakan ako!
"Gerry magpapaliwanag ako. Baka may mali kang naisip sa nakita mo. Wala lang talaga yu---"
"Sssh.Dont explain Nathan. Maybe some other day nalang. Masakit kasi ulo ko."
"But Gerry. Hayaan mo muna akong magpaliw---"
"Please. Just once. Dont talk." sabi ko tapos pilit ako ngumiti sa kanya.
Tinalikuran ko na siya. Ayoko munang mag isip ng kung ano.
Ang sakit lang kasi sa puso eh.
Sapat na yung nakita ko.Partida pa mga narinig ko.
Sapat na para isiping niloloko nila ko behind my back.
##########~
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...