Chapter 28 *Nathan's move*

272 4 2
                                    

Chapter 28 *Nathan's move*

Gerry's POV

Papunta na ko sa bahay nila beshy. Today is our first day bilang isang 4th year student. ^__^ Excited na kong pumasok.

Tularan niyo ko,masipag pumasok!

Nagdoorbell na ko sa gate nila beshy. Tapos lumabas si tita Irene,kasunod lang din niya si beshy lumabas. 

Lapad ng ngiti ah,excited din siya pumasok. 

[School]

Diretcho agad kaming room ni beshy. May ilan akong bagong muka na nakita. Mga transferee siguro.

Ayun, dahil 1st day. Wala masyadong ginawa. Puro daldal lang sa harap si adviser. Rules and regulation. Sus, sa tatlong taon ko dito,kabisado ko na ata yan.

After class. As ussual saan ba kami pumupunta before ni beshy.

Sa gym!

Pagdating namin sa gym may game. Pero konti lang yung tao. Practice game siguro.

Umupo kami ni beshy sa may mataas na banda na bleacher. Yung inuupuan din namin dati. Grabe,naaalala ko pa dati,ayaw kong patinginin si beshy kung nasan si Nathan. Kasi nga diba ayaw kong malaman niya na crush ko siya. Ang babaw lang.

Ngayun nakatingin kaming dalawa sa kanya.

"Beshy. Grabe kinikilig ako para sayo."

Yung feeling na mas kinikilig pa bestfriend mo kesa sayo. 

Haha. Kaloka talaga to.

"Nakatingin siya sayo oh." dagdag pa niya...Oo nga nakatingin nga si Nathan. *dugdug* *dugdug* Lumakas tibok ng puso ko ah. 

Nagthumbs up nalang ako sa kanya. Aw ang gwapo ni number 17 kulay red varsity. Nathan Mendoza pangalan. Omoghad. *drools*. Wet look pa o. Pawis kasi.

Inantay na namin matapos yung practice game. Hindi pa  din naman kasi gabi. Maaga din kasi dinismiss ni teacher Mai yung klase... Palabas na kami ng gym ng tawagin kami ni Nathan.

*dugdug* *dugdug* 

Bah yan! Bakit ganito tibok lagi ng puso ko pag nandyan siya. Shocks may sakit na ata ako.

Lumingon kami ni beshy.

"Baket? Uy galing mo pala kanina ah." bati ko. Astig kaya niya sa court.

Napahawak nalang siya sa batok niya. "Haha. Salamat. Uwi na ba kayo?"

"Yap. Bakit hatid mo kami?" tanong ni beshy.

"Pst beshy!" saway ko. Makatanong ah. Kakahiya. =___="

"Oo sana. Galing mo naman Irish. Uhm, kaso magbibihis pa ko. Maaantay niyo ba ko saglit lang?"

"Oo naman. Ayus lang. Sige go magbihis ka na." sabi ni beshy sabay tingin sakin at ngiti ng nakakaloko.

"Sige antayin nyo ko ah. Saglit lang to. Balik agad ako." tapos tumakbo na siya.

"Beshy naman eh! Nakakahiya!"

Kami pa talaga nagsabi nun. Pano kung hindi pala yun sasabihin niya. Nag adlib lang siya para di kami mapahiya. 

"Oy oa mo ah. Anung nakakahiya dun. Parang dati gustong gusto mo naman."

"Tamo to. Syempre...basta...kasi naman eh." >///<

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon