Dedicated sayo girl. Ang sipag kasi magcomment. Hook na hook. Pagpatuloy mo lang. Salamat :">
Si Manuel nasa right side. The serious type. >////<
########~
"Mic test.."
Chapter 21 *Huli na*
Nathan's POV
*krinnnnngk*
Si Mj yun ah. Anung ginagawa niya sa stage?
Nakatingin ang lahat sa kanya. Pagtingin ko sa crowd. Nakita ko si Gerry. Namimiss ko na siya. I miss her badly. Alam ko iniiwasan niya ko. At hindi madali para sa akin yun.
Hindi ko man alam ang dahilan pero siguro may matindi siyang dahilan. On the other side,gusto ko din naman yun diba? Dati nga, ako lumalayo 'e.
"Ah. hello..."
"Ah...Mga tao dyan sa paligid...Maanong pakinggan niyo muna ako."
"May tao kasi akong mahal dito. Gusto ko lang sanang ipagsigawan sa inyo."
Parang alam ko na sasabihin niya... Hindi kaya-----
Aamin na siya?
Napatingin ako kay Gerry. Parang hindi niya alam. Wala talaga siyang kaalam alam na para sa kanya ang ginagawa ngayon ni MJ. Paalis na kasi siya.
Oo sige umalis kana! Para hindi mo na madinig sasabihin ni Mj!
"Wooooh! Ang gwapo niya!! Ang gwapo mo po!"
"Mah ghad!! Ang sweet pa. Sana ako nalang yung gusto niya."
"Grabe ipagsisigawan pa talaga no! Ang sweet!!"
Ang ingay.
>.<
Gusto ko siyang lapitan. Si Gerry. Para ilayo na siya dito kaso....
"Gerish Sison."
Huli na ko.
"Pandak... Alam ko,siya pa din... Pero nandito ako,hinding hindi kita sasaktan,hindi kita paiiyakin tulad ng ginagawa niya sayo."
Sino ba yun? Yung lalaking gusto niya na pinapaiyak siya?
Shz! malaman ko lang kung sino siya mauupakan ko talaga siya! Pinapaiyak niya si Gerry. Psh.
"Uh, hehe. I like you Gerry. from the first day I saw you. You make my heart beat.."
"Shet!! Nakakakilig!"
"Sana ako nalang si Gerry!"
"OMG!!"
"Gerish Sison.. Can I court you??"
Wala na kong magawa.
Napaka tanga ko talaga.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya. Hindi ko man lang sinubukan.
Nasasaktan ako. Sabihin ng para akong tanga dito na nakatingin sa kanila habang magkaharap sila. Pero anung magagawa ko. Ang bagal bagal ko!
Ang torpe torpe ko!
"Yes!!"
Narinig ko nalang na sumigaw si Mj.
"Huy! Hindi pa kita sinasagot ah! Ligaw palang,makasigaw ka dyan!"
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...