#############
Chapter 36 *Surprise*
"Saan ba tayo pupunta? Baka hanapin tayo nila mama dun." hilahila kasi ako ni Nathan palabas ng bahay. Birthday ko kasi ngayon at ang saya ko kasi sweet 16 na ko. Haha Aside from that,masaya ako kasi nandito yung mga close friends ko. Sinurprise pa nila ako. Maski si Jinky napasugod pa galing Paris.Nakalimutan ko palang sabihin na nagmigrate na sila dun at dun na siya magpapatuloy ng pag aaral.
"Okay lang yan. Nagpaalam na ko kay tita." referring to mama. Tumingin pa siya sa akin habang nakangiti ng pamatay. Haha. Pamatay na ngiti! Whew! Its been 3weeks since naging kame at ang sweet talaga niya. Walang times na hindi niya pinadama sa'kin kung gaano niya ko kamahal.
"E saan nga kasi tayo pupunta?"
"Do you trust me?"
"Huh?... Syempre naman."
Ngumiti ulit siya. Shocks! Hanggang ngayun namemesmerize pa din ako sa mga ngiti niya! Kahit ngitian niya lang ako ngayung birthday ko sapat ng regalo yun! Haha. Lantud!
"Yun naman pala eh. Kaya sumama ka nalang." :)
"Ok."
Nagpunta kami sa-
"Nasan tayo?" tanong ko. Nasa tapat kasi kami ng bahay na ang laki.
"Sa bahay namin." sagot niya. Halaaaa. Ang ganda pala ng bahay nila. Kahit kasi ini-stalk ko siya dati hindi naman ako nakaabot sundan siya hanggang bahay nila. Pero bakit pa ko magugulat e may kotse na nga siya sa edad niya ngayun eh.
Binuksan niya yung gate. Tapos pinapasok niya ko. Pagpasok namin ang dilim. Nakakatakot naman,ang laki laki tapos madilim yung bahay.
"Dito ka lang Gerry ah." binitawan niya yung kamay ko.
"Teka sandali." bago pa siya umalis hinawakan ko ulit kamay niya. "San ka pupunta?" kaso hindi siya sumagot. Tapos umalis na siya. Halaaaa. Iniwan niya ko. Nakita ko pa syang naglakad. May konting ilaw naman kasi akong nakikita.
Naalala ko yung sinabi niya kanina.
Do you trust me
Okay Gerry. Wala namang mangyayaring masama kaya kalma ka lang. Alam mong hindi hahayaan ni Nathan yun.
Umupo nalang ako sa sofa na nakita ko nung lumingon ako. Nasaan kaya yung mga tao dito. Ang sabi niya dati may kapatid siya diba. Tapos yung mom niya nasa heaven na.
Jusko tita. Ako po yung girlfriend ng anak niyo. Sana po magustuhan niyo ko.
Ang tagal naman bumalik ni Nathan. :( Baka may importanteng pinuntahan muna. Pwede kaya muna akong mag ikot dito?
Tumayo ako tapos lalabas na. Kaso shocks! Napapikit ako. Nakita ko kasing sumasayaw si Nathan ng stripdance sa labas!
Haha. Biro lang. May nagbukas kasi si ng ilaw. Nakakasinag sa mata.
"Sabi ko dito ka lang diba?"
Napalingon ako sa nagsalita.
O.O
Speechless.
Nagsasayaw nga si Nathan ng stripdance! Lol. Biro lang ulit. Anu ba naman tong naiisip ko. Pero mas nagulat ako sa mga nakikita ko ngayun. May petals sa daan tapos papunta yun sa may likod ata ng bahay nila?
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...