Chapter 41 *Buko at Wako*

297 4 1
                                    

(Migs ---->)

Chapter 41 *Buko at Wako*

"Grabe!!! Ang gwapo mo na!! Hindi kana maputla at payat! Shocks ang laki ng pinagbago mo! Hindi kita nakilala kaagad! Waaa. Mik-mik sobra talaga kitang namiss kung alam mo lang!!!" niyakap ko pa siya lalo. Namiss ko talaga 'to.

Bestfriend namin siya ni Irish! Oo BESTFRIEND!! Kaya mahal na mahal ko 'to. Nagkahiwalay lang kami nung grade 5 kasi pumunta silang London nila tita at tito,yung parents niya. Kasi may sakit sa puso si Mik-mik kaya kailangan nyang magpagamot.

Pero teka- "Magaling ka na ba? Bakit ka naglaro ng basketball kanina?! Baka atakihin ka! Mik-mik naman e!" nakakainis! Naalala ko tuloy nung grade 4 kami! Nahirapan syang huminga, partida naglakad lang naman kami mula school hanggang bahay. Buti nalang malapit na kami sa bahay nung inatake siya kaya naagapan! Kaya naiinis ako kasi nag-aalala ako! >.<

"Chill lang Gik-gik pwede. Magaling na ko. Muka pa ba kong may sakit ah. At talagang di na ko maputla. Ang gwapo ko na diba? Ang galing ko pang magbasketball. O ano ka ngayon." ginulo ko lang buhok niya sa sinabi niya. Natutuwa ako.

"Sigurado ka magaling ka na talaga??" paninigurado ko. Sinuri ko pa katawan niya.

 "Oo nga po. Ilang taon na din ang lumipas. At hindi mo na nga ako makilala."

 "E ang gwapo mo na nga kase."

 "Wala e."

 "Psh. Yabang!" pero tama naman siya. Talagang gumwapo siya. Promise.

"Hindi ka pa din nagbabago." sabi niya. "Si Irish nakita ko kanina. Astig a, sumexy siya."

"Gerry ko."

 "O Nathan!" napalingon si Mik-mik kay Nathan. "Tara dito."

Lumapit siya sakin sabay akbay. Yun o. Medyo nagselos. Wushu,kilala na kita Nathan. Haha.

"Sino siya?" -Nathan

"Ah. Siya si Mik-- Migs, kababata namin ni Irish. Bestfriend ko. Migs siya si Nathan. Boyfriend ko." 

 

"Im Miguel but you can call me Migs. Nice to finally meet you dre." nilahad ni Mik-mik yung kamay niya kay Nathan. At ayan nag shake-hands sila.

"Nathan dre. Mahal ni Gerry." O.o loko 'to. Napalo ko siya ng madahan sa tyan. Astig ng pagpapakilala a. Pero natawa nalang kaming tatlo. 'to talagang Nathan ko o. Pinapakilig nanaman ako jusmiyo. ^///^

"Haha. Alam ko. Nakita ko nga yung nangyari kanina sa gym. Congrats dre. Ingatan mo tong bestfriend ko a. Mahal ko yan." hinatak pa ko tapos inakbayan at ginulo pa buhok ko. Haynako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nice Guy (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon