NAGSISIMULA NA ANG THRILL. TAMA BA? HAHAHA
WOIIII MAKE SOME NOISE NAMAN!!! -Janjan
##########~
"Uy bangon na dyan. Kain na tayo."
Chapter 20 *Can I court you?*
Nakatulog pala ko... Ugh. Sakit ng leeg ko. Nakatulog ako dito sa may desk ko...hindi manlang ako ginising ni beshy ah.Pagtingin ko sa paligid wala na yung mga kaklase ko...Ganun ba kahimbing tulog ko at hindi ko namalayan na lumabas na mga classmates ko para maglunch? Buti walang klase ngayun,practice kasi para sa graduation ng 4th year kaya busy mga teachers. Malapit na nga pala magbakasyon...buti nalang. Hindi ko na kaya dito sa school,ayoko na syang makita. :(
Takteng yan! Pati sa panaginip hindi ako nilubayan. Bwisit!
Sige pa, ipamuka pang hindi ako ang type niya!!
Leche tae!!
"Huy. Tulala lang?" pinindot pindot pa niya yung noo ko...psh. >.<
"Anu bah Manuel." badtrip ako,bwisit na to nag-iinis pa.
"Tulala ka kasi. Tara kain na tayo sa canteen."
"Ayoko. Hindi ako nagugutom."
"Masama nagpapagutom alam mo ba?Kaya hindi ka lumalaki eh..Tara na." pilit niya. Hinihigit pa niya yung kamay ko.
UGH "Anu ba! Sabing hindi ako nagugutom eh!" ang kulit kulit naman kasi, sabing wala akong gana eh! >.< Yumukyok nalang ulit ako sa desk ko. Tch. Kitang bad mood na, nangungulit pa din!
"Uy. Tara na kasi."
Aaarg! Hindi ba to nakakaintinde?
Putcha! kalabit pa ng kalabit!! Nak ng tokwa oh! Ilang beses bato inire ng nanay niya?!!
"Ang sabi ko-----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi... may tinapat siyang icecream sa muka ko.
Icecream na 250 ml. O.O Drools!!
"Sayang. Pagkatapos mo pa naman kumain.Bibigay ko sana to sayo.tsk tsk." sabi pa niya habang umiiling.
"Saan mo yan nakuha?" wala naman akong nakitang hawak niya yan kanina eh.
"Tss. Shonga talaga...edi sa bag ko... anu na? Lusaw na to oh."
"Hindi nga kasi ako-----*kroook*kroook*"
"Haha! ano,hindi ka gutom?? sabi lang ng isip mo yan! Sabi ng tyan mo gutom ka! Kaya tara na sa canteen."
"Hayyst! Ang kulit mo!! Sige na nga! Pero saking lahat na yan ah."
"Oo na po...pero bago tayo bumaba punasan mo muna yang laway mo."
Laway ko? Saan? Saan?...hanap naman ako sa bandang bibig ko..
"Loko ka! Wala naman ah!" wala namang basa ah...bwisit na to...naconcious ako dun ah!
"Haha! Joke lang." sabi niya sabay tayo. "Bilisan mo na dyan..ayaw pa kumain,kaya ang pandak eh!"
"Leshe ka!"
Ayan, Kahit ayaw kong bumaba at kumain. In the end napababa niya din ako.. Tss.Icecream yun eh. Ang sarap kasi... rocky road tsaka double douch flavor... hmm sarap!
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...