JOSKO. SALAMAT NAMAN AT NAKITA KO NA TONG NAWAWALANG CHAPTER KO NA TO. AJUJUJU.
#############~
"Anung ginagawa mo dito? Mag isa ka ata."
Chapter 12 *KINIKILIG AKO!*
Kahit pigilan ako ng paa ko na lapitan siya,yung utak ko tsaka yung puso ko makulit din eh. Kaya ito ako, lumapit sa kanya. Napatingin naman siya agad sakin. Mukang nagulat ko pa ata.
"G-gerry, si Mj di mo kasama?"
"Uh,hindi. Nandun siya nagsasayaw."
"Ah." nginitian niya lang ako.
"Pwede ba kong maupo dito?"
"Oo naman." saka siya tumabi ng onte para makaupo ako.
KROO KROO. Awkward silence to ah. -___- Wala kasing nagsasalita samin. Josko.
"A-ah si Jinky nga pala?" tanong ko, magkaron lang ng topic kahit si Jinky pa pag-usapan. Lol
"Nauna ng umuwi. Late na daw kasi."
"Onga no. Uwi na din kaya kami."
"Hwag muna!"
O.O
Napaharap siya sakin nung sinabi niya yun. At isa lang ang naramdaman ko. KINILIG AKO!
"Haha. I mean. Sayaw muna tayo...Can i dance with you?"
*blush* *dugdugdug*
Yung puso koooo!
Tumayo siya tapos nilahad niya yung kamay niya sakin...hindi na ko nakasagot sa tanong niya,hinawakan ko nalang agad yung kamay niya saka kami nagpunta sa may gitna.
Ang dami naming katabing mga nagsasayawan din pero pakiramdam ko,kaming dalawa lang at wala ng iba pang tao sa paligid...nagtatalo na mga insekto sa tyan ko. Sana tumagal yung oras.Itong oras na to na magkatabi kami,magkayakap na nagsasayaw sa gitna ng gabi na puro ulap at bituin.
"Sinave ko talaga tong last dance ko para makasayaw kita." sabi niya.
"Ha?aaaaching!"
Asdfgh!! Batrip!! Panira ng moment!!
"Malamig na." sabi niya tapos humiwalay siya sakin saglit tapos hinubad niya yung coat niya...pinatong niya sa balikat ko.
Napakalakas ng tibok lalo ng puso ko sa ginawa niya. Ang sweet!! Aaaaah!..Nangingiti nalang ako sa ginawa niya.
"S-salamat.. Malapit na pala championship niyo no. Kamusta naman?"
"Medyo kabado. Balita kasi namin magaling daw yung kalaban... Pero kahit ano namang mangyari,hindi ako nag aalala kasi nakapag practice naman ako ng maigi. At malapit lang naman sakin yung inspirasyon ko."
dugdug.dugdug. Napaka hipokrita ko naman kung hindi ko iniisip na sana ako yun. Kasi ngayun,iniisip ko na SANA AKO NA NGA!!
"Sino naman yun? Bah ang swert naman nun." sabi ko habang pilit kong tinatago yung kilig ko. Wolongyooo, ang sakit na ng tyan ko, ang hirap din pala magpigil ng kilig. =D
"Haha. Ako ang maswerte... sa kanya."
Nagtindigan mga balahibo ko ah. Para akong natatae na ewan na hindi. "Ouch." napaatras ako.May nakabunggo sakin na nagsasayaw din.
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...