COMMENT AND VOTE GUYS. THANK YOU. XD
###############~
Hay. :(
Chapter 14 *Team color*
Foundation na namin. Hay. :( Nakakaboring. Bakit kasi ngayun lang tong foundation eh. Dati naman bago mag-JS to ginagawa.
Naiinis ako kasi. Mag-gugrupings na naman tapos baka mamaya nyan wala akong kaibigan na maging kagrupo...Yung parang last year lang.Hindi ko kasi nakasama si Irish. Kaya loner ang peg ko. Sumasama sama nalang ako kayla Jen,kaklase ko din na di ko naman ganun ka-close. -___-
Magbubunutan na ng color..Si teacher Ed nasa harap na. Luuuh. Sana talaga maging magkagrupo kami ni Beshy. Nauna akong bumunot ng colored paper piece na maliit na nilagay ni teacher sa box ng zesto kaysa kay Irish.
Nabunot ko kulay violet.
"Sana violet din sayo beshy." sabi ko tapos nagcrossfingers pa ko.
Paglabas ng kamay niya sa box.. kulay red nakuha niya.
"Aw" hindi na naman kami magkagrupo.
Pagkatapos magbunutan ng lahat ng kaklase ko. Ayun,pinatayo yung mga magkakapareho ng kulay.
Hay. Back to loner mode ata. :| Wala kong medyo kaclose. :(
"Okay lang yan,be friendly kasi." sabi ni beshy tapos tinap pa ko ng madahan sa braso.
"Pwede bang hwag nalang magfoundation?"
"Kotong gusto mo?? Dagdag grade din yan...3 days lang naman,magtyaga kana...at balita ko beshy ah,si Nathan kasali sa basketball sa team nya."
"Malamang kasali yun. Hello? Bakit anu bang team siya?"
"Ay,ayun ang hindi ko alam."
Sana magkagrupo kami. Omg,grabe lang. Kasi diba sure ako kasama niya ko lagi nun kasi siya lang ka-close ko. Mah ghad! Sana violet team siya!
Break time. Naglalakad kami papuntang canteen.
"Gerry! Irish!"
"Uy." Si Nathan saka Manuel nakasalubong namin. Iiihhh ang gwapo talaga ni Nathan ko. OO! KO siya! Hihi. Lantud ko talaga!
"San kayo punta?" tanong ni Manuel.
"Sa canteen. Kayo ba?"
"Sa puso mo."
"Pauso ka Manuel ah. San nga?"
"Sa Canteen din. Ayus! Libre moko ah." sabi niya tapos pinulupot niya yung braso niya sa leeg ko saka kami naglakad.
"Epal mo talaga.Yung buhok ko nagugulo oh..."
Ugh!! Sabi ng nagugulo buhok ko! Lalo pang ginulo! "Nakakainis talaga tong Manuel na to!!"
"Hahahaha"
Happy lang? Psh. May sayad talaga. Tsk tsk. "Malala na yan pare." biro ko. Tapos lumingon ako. Nakita ko na nakasunod lang samin sila behsy tsaka Nathan. Hay. Nagse-cellphone lang siya, si Nathan. Hindi man lang niya ko kinalabit or what...
Ay ewan.Bala na nga. :"<
Pagdating namin sa canteen. Umorder na kami ng sabay sabay. Wala naman din kasi masyadong tao sa canteen ngayon. Ewan ko kung anong play dun sa grounds. Mga nandun yung tao eh. Hindi kasi mahilig manuod ng mga play play chuchu na ganun tong si beshy kaya ako din hindi na nanunuod.
BINABASA MO ANG
Nice Guy (Kathniel)
RomanceGusto ko si Nathan. Kaso ayokong malaman nyang may gusto ako sa kanya. Ayoko kasi baka layuan niya ko, ayoko kasi baka biglang magbago yung tingin niya sakin, ayoko kasi ayaw kong isipin nyang kasali ako sa ibang mga nagkakagusto sa kanya, na baka i...