2

1.2K 388 30
                                    

Third Person's

Hihingi pa ulit sana ng pasensya si Herschel ngunit mabilis na umalis ang babaeng kanyang nakabangga na hindi man lang tumitingin sa kanya. Hindi na rin niya ito tinangkang habulin at agad siyang pumasok sa loob ng police station upang sunduin si Anna. Kasama niya si Mrs. Belmonte, isa sa tagapag-alaga sa mga batang nasa bahay-ampunan.

May tumawag sa kanila para ipaalam ang nangyari kaya kaagad silang napasugod sa police station. Natanaw na rin agad ni Herschel si Anna, ngunit palapit pa lang siya ay naririnig na niya ang pagpapaliwanag nito sa mga taong naroon din sa loob ng istasyon.

“Wala po siyang kasalanan. Tinulungan at niligtas niya po ako mula sa mga taong nagtangka na gumawa ng masama sa akin,” he heard her say.

“Hay naku, hija. Huwag mo na ipagtanggol ang babaeng 'yon. Dakilang pasaway iyon at tanging kahihiyan lang ang dala niya sa pamilya namin,” wika ng isang matandang ginang bago ito umirap.

“Pero totoo po ang sinasabi niya. Kung hindi po siya tinulungan ng dalagang 'yon, tiyak na isa na rin sa biktima ng human trafficking itong bata,” turan ng isang babaeng pulis kaya agad na nangunot ang noo ni Herschel.

“See? Nakagawa naman pala ng mabuti ang anak ko,” ani ng isang babae na nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Agad naman siyang napansin ni Anna kaya mabilis siya nitong nilapitan.

“Father...” tawag nito kaya malalim siyang bumuntong hininga.

“Ano na naman ba ang ginawa mo?” mahinahon niyang tanong dito. Hindi ito nakasagot, bagkus ay nahihiya itong yumuko.

“Anong oras na, ah? Kaya pala kanina ka pa hinihintay ni Mrs. Belmonte sa bahay-ampunan,” aniya.

“Sinabihan ko na nga po itong si Anna na huwag magpapaabot ng gabi sa daan, pero sadyang matigas talaga ang ulo ng batang ito,” ani Mrs. Belmonte na kahit lukot ang noo ay kapansin-pansin pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito.

“Kayo po ba ang guardian niya?” pagtatanong ng isang pulis kaya marahan siyang tumango.

Isa siya sa kinikilalang guardian ni Anna. Nakilala niya ito sa bahay-ampunan three years ago. Bagama't mabait ang disi-siyete anyos na si Anna ay hindi pa rin maiwasan ang pagiging pasaway nito.

Parte ang dalaga sa kanyang hinahawakan na bahay-ampunan, dahil bahagi ang simbahan ng San Agustin sa proseso ng pag-aampon sa mga ulilang bata. He has also established charities para makatulong sa mga nangangailangan. Siya rin ang nangunguna sa pamamahala sa ganitong klase ng pasilidad.

“Tiyak na lagot na naman siya kay Mr. Hernandez kapag nalaman niya ito,” nag-aalalang saad ni Mrs. Belmonte. Tinutukoy nito ang tiyuhin ni Herschel na kabilang sa social worker. Isa ang tiyuhin niya sa nagbibigay payo, tulong, at naghahanap ng adoptive family para sa mga batang nasa bahay-ampunan.

“Ako na po ang bahala, mas mabuti na huwag na po muna natin itong ipaalam sa kanya,” sagot niya.

Kinausap lang siya saglit ng pulis tungkol sa nangyari. Matapos ang ilang minuto ay pinauwi na rin sila.

“Pasalamat ka ay may tumulong sa iyo,” turan ni Herschel habang nagmamaneho.

Pauwi na sila ngayon sa bahay-ampunan. Sayang lang ay hindi niya nakilala ang taong tumulong kay Anna para sana'y magpasalamat, subalit bigla na lang daw itong umalis. Ganoon din sa magulang nito na naroon lang kanina sa police station pero umalis din agad.

“Pero infairness, ang ganda po niya kahit mukha siyang badass!” may pagkamangha na sagot ni Anna.

“Hinabol nga po niya kami para iligtas ako at para talaga kaming nasa action movies! Binangga pa niya 'yong sasakyan ng mga gunggong na 'yon!” pagkukwento pa nito na ikinailing ng ulo ni Mrs. Belmonte.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon