KYERRA
Pagkamulat ko ay kaagad kong napansin na wala ako sa sarili kong kwarto. Umaga na rin dahil sa liwanag na tumatama sa nakasaradong bintana. Mabilis din akong bumalikwas ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari kagabi.
Alam kong hindi ako nananaginip dahil ang silid na kinaroroonan ko ngayon ay silid-tulugan ni Father Herschel. Dito niya ako pinatulog sa kumbento dahil gusto niya na mag-stay muna ako sa kaniyang tabi.
He also didn't let me leave last night, kaya wala rin akong choice. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi ako nakapag-busking kagabi. At isa pa, gusto ko rin naman siyang makasama. Magpapakipot pa ba ako, kung mutual naman ang nararamdaman namin sa isa't isa kahit na ito'y bawal at mali sa mata ng lahat?
May pagtingin na nga talaga ako sa kaniya at mas lalo pa itong lumalalim dahil kahit kagigising ko pa lang ay ngumingiti na akong mag-isa. Kung may makakita man sa akin ay tiyak na iisipin na baliw na ako. Oo, sira na nga yata talaga ang tuktok ng ulo ko dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa isang pari.
Pero hindi iyon ang dapat problemahin ko, dahil kung may makakita at makaalam na dito ako natulog sa kumbento ay tiyak na lagot ako.
Bumangon na ako at inayos ang kama bago ako lumabas habang inaayos ko ang aking buhok. Naabutan kong mahimbing pa ring natutulog si Father Herschel sa sofa. Tangerine, on the other hand, was sleeping soundly on his chest. This kitten is so lucky. How I wish I was in his position.
Napailing ako sa kalandian na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko na inabala na gisingin si Father Herschel para makabawi naman siya sa tulog. Bago pa may makakita sa akin dito ay kaagad na akong umalis sa kumbento.
✘
We are currently having lunch habang sina Zinnia at Yves ay masayang kinukwento kina mommy at Tito Manuel ang mga nangyari dito habang wala sila. Kanina pa silang umaga nakauwi at marami rin silang dalang pasalubong sa amin.
Gustuhin ko man na sumali sa pinag-uusapan nila ay hindi ko magawa dahil ang laman ng isip ko ay si Father Herschel. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nahulog na rin ang loob niya sa akin, na pareho lang din kami ng nararamdaman sa isa't isa.
I also felt mixed emotions. Kilig, saya, takot at pagkabahala.
“Kumusta ka naman dito, hija?”
Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni mommy. They are already looking at me and waiting for my answer.
Tipid akong ngumiti. “I'm fine,” tipid kong sagot.
“I heard about your busking. Pareho pala kayo nitong si Zinnia, mahilig sa music.” At masaya akong nginitian ni Tito Manuel.
“I'm also happy that you and your siblings are getting along so well. Sana magkaroon pa kayo lalo ng strong bond,” nakangiting turan naman ni mommy.
“Opo, mommy. We are so happy that Ate Kyerra is here,” sweet na sagot ni Zinnia kaya ngumiti ako.
“And I'm also happy to see her smile,” mom said while staring at me emotionally. Hindi na lang ako sumagot pa. Hindi lang talaga ako sanay kay mommy, lalo na't hindi rin naman ako lumaki sa poder niya.
“Anyway, nag-text pala sa akin ang daddy mo. Nandito siya mamaya dahil gusto ka raw niyang bisitahin,” aniya kaya nahinto ako.
"Wala naman akong sakit para bisitahin niya,” malamig kong tugon. Natahimik sila at hindi nakapagsalita.
'Yong tampo na nararamdaman ko noon sa magulang ko ay napalitan ng galit at pagkamuhi. Hindi ko rin naman kailangan na ipaliwanag pa kung bakit ganito na lang kalayo ang loob ko sa kanilang dalawa. They should ask themselves why I became like this. Dapat tanungin nila ang mga sarili nila kung ano nga ba ang pagkukulang nila sa akin.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...