KYERRA
Ilang araw na ang lumipas mula nang magpasya ako na iwasan muna si Father Herschel. And it was successful and I managed to avoid him even though there's a part of me that wants to talk to him kahit saglit lang.
Pero tuwing bumabalik sa alaala ko ang halik na 'yon ay pinangungunahan na ako agad ng kahihiyan. Mas mainam na rin siguro iyon dahil kahit siya ay alam kong umiiwas din sa akin.
Maybe he's worried that his name might be brought into disrepute. As a priest, he carries a heavy reputation which is something he definitely won't let be tarnished. Dapat lang talaga na protektahan niya ang mabuti niyang imahe sa publiko.
Iniisip ko pa lang na masira ang kaniyang pangalan dahil sa pagiging reckless ko ay nasasaktan na ako. I know it took him a lot of effort to become a priest. Buong puso niyang inalay ang kaniyang puso sa paglilingkod sa Diyos, and I don't want to be the one to ruin it.
“Kyerra?”
Mabilis napunta ang atensyon ko kay Caleb nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.
“Err, yes?”
“Okay ka lang? Kanina ka pa tulala,” nag-aalala niyang katanungan.
Kasalukuyan kaming dalawa na nasa dining area. Kami ang nakatoka ngayon sa paglilinis at pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga bata. Ito na rin ang last day namin sa bahay-ampunan dahil babalik na sina mommy at Tito Manuel bukas kaya kailangan na rin namin bumalik sa bahay.
I faked a smile. “Ayos lang ako,” sagot ko.
“Ah, about pala sa youth camp,” aniya kaya nahinto ako sa pagpunas ng lamesa at mariin siyang tiningnan.
“Sa Miyerkules na pala iyon. Sana makapunta ka,” nahihiya niyang sabi kaya mahina akong natawa.
“Ilang beses mo na sa akin ipinapaalala iyan,” turan ko kaya pati siya ay natawa rin.
“Pasensya na, baka kasi makalimutan mo. Huwag kang mag-alala, masaya ang youth camp namin, tiyak na mag-e-enjoy ka,” paniniguro niya kaya nakangiti ko siyang tinanguan.
Tinanggap ko ang invitation niya. At isa pa, gusto ko rin maranasan ang youth camp. Sigurado rin ako na isasama ako ni mommy dahil ayon kay Zinnia, madalas din silang ipasama tuwing may ganap na youth camp ang San Agustin.
“Mukhang malakas yata ang tama ni Kuya Caleb sa iyo, ah?” sulpot bigla ni Anna sa tabi ko kaya bahagya akong nagulat. Mabuti na lang ay nakaalis na si Caleb para ihatid ang mga pinggan sa kusina.
“Para kang kabute!” gulat kong sabi kaya tinawanan niya ako.
“Single naman iyan si Kuya Caleb, mabait at talagang maaasahan. Tiyak na may gusto siya sa 'yo,” wika niya kaya nangunot ang noo ko.
“Baka naman friendly lang 'yong tao? At isa pa, huwag mong bigyan ng malisya ang pagiging mabait niya sa akin,” may diin kong sagot bago ko tapusin ang paglilinis.
“Friendly nga siya, pero ngayon ko lang siya nakita na ganyan, ano! Tuwing darating nga iyan dito, ikaw agad ang hinahanap,” kinikilig niyang sabi kaya nairolyo ko ang aking mata.
“Ang dami mong napapansin, tapusin mo na lang 'yang ginagawa mo.” At inginuso ko ang ginagawa niyang pagwawalis.
Ngumuso siya at hindi na ulit nagsalita, pero bigla akong may naalala. Malapit si Anna kay Father Herschel, sigurado ako na marami siyang nalalaman about sa buhay ni Father. Mabuti na lang ay kami lang dalawa ang tao rito sa dining area.
“Anna, alam mo ba kung bakit tinuloy ni Father Herschel ang pagiging pari niya?” I asked.
Saglit siyang natigilan at nag-isip.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...