25

1.3K 327 49
                                    

KYERRA

Everything went smoothly. Everyone also had fun at our youth camp. Naging convenient din ang pagtayo namin sa gagamitin naming tent dahil gamit namin ay isang inflatable tent. Need lang itong i-pump ng hangin upang tumayo. It was also spacious and we were able to move around freely even though there were five of us in one tent.

Kahit kararating lang namin sa campsite ay nagsimula na kaagad ang aktibidad. Hindi boring dahil masayang ka-bonding ang mga kasama ko. Kumuha na rin kami ng mga kahoy para sa gagamitin namin mamaya.

Pagsapit ng tanghali ay nagluto na kami ng aming makakain. Ang lahat ay may ginagawa, sama-sama kami at nagtutulungan. Ako ang nakatoka sa pagluluto ng ulam namin ng mga kasama ko sa tent, habang sina Zinnia ang nagsaing.

"Mukhang masarap 'yang niluluto ninyo, ah?" Nilingon ko ang nagsalita, si Caleb lang pala. Nakangiti rin siyang nakamasid sa niluluto kong sinigang na baboy.

"Gusto mo ba'ng tikman?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Mabilis siyang tumango bilang tugon. Gamit ang kutsara ay kumuha ako ng kaunting sabaw. Mahina ko itong hinihipan dahil tiyak na mainit-init pa ito.

I was about to give it to Caleb so he could taste it, but Father Herschel suddenly appeared. Sinubo niya ang kutsara kaya pareho kami ni Caleb na gulat na gulat na nakatingin sa kaniya.

"Hmm, it tastes so good," sambit niya.

I gave him a wide-eye stare because here he is again, susulpot bigla na parang kabute. Pero ang loko ay ngumiti lang bago siya humarap kay Caleb.

"Sorry, gusto mo rin ba tikman 'yong sabaw? Here, tikman mo na," ani Father sabay abot ng ibang kutsara kay Caleb.

"S-Sige po, Father..." utal ni Caleb. Wala siyang nagawa kung 'di kunin ang kutsara at siya na ang kumuha ng sabaw upang tikman iyon.

I gave Father a meaningful look, but he just grinned at me.

"Pagkatapos mo riyan, tulungan mo ang iba sa pagluluto," salita pa ni Father kay Caleb bago niya i-check ang suot niyang relos. "Lunch is almost over, kaya kailangan na makakain na ang lahat," he added.

"Sige po, Father. Puntahan ko lang po 'yong iba," paalam ni Caleb. Ngiti lang ang ipinakita ko sa kaniya bago siya umalis at nagtungo sa iba naming mga kasama.

Walang nakatingin sa amin, kaya mabilis kong hinampas ang braso ni Father na ikinabigla niya.

"Bigla ka na lang sumusulpot, dati ka bang kabute?" I asked so he laughed.

"You used that spoon earlier to taste what you were cooking. Tapos ipapagamit mo kay Caleb?"

"Why? Do I look like I have a contagious disease? At isa pa, pinapanood mo ba ang bawat galaw ko?" pagsusungit ko na ikinailing niya kaagad.

"Because I don't want you and Caleb to have an indirect kiss," he responded. Na-gets ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.

"And yes, I'm watching you because you might end up somewhere else. Ayoko lang din na may mangyari sa iyo, lalo pa't magubat itong campsite," dagdag niyang dahilan.

Bumuntonghininga ako. "Sa ginagawa mong 'yan, baka makahalata na si Caleb," mahina kong saad. Tinakpan ko na rin ang niluluto kong ulam at hinayaan ko muna itong kumulo upang mas lumambot pa ang karne.

"And so? Let him think about us. In the end, he will know the truth," walang katakot-takot niyang sagot.

"Hindi ka ba natatakot? Ano na lang ang iisipin nila sa iyo kapag nalaman nilang---"

"--- na mahal kita at handa kong iwan ang lahat para sa iyo? What should I be afraid of? I am not scared to tell anyone that I love you, and I'm even less afraid if they judge me for loving you. Mas matatakot ako kung mawala ka," walang kautal-utal niyang putol sa sasabihin ko.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon