18

1.2K 355 69
                                    

KYERRA

Nakangiti kong pinasalamatan ang lahat ng mga nanonood ngayong gabi sa busking ko. Lahat sila ay masayang pumalakpak matapos kong kantahin ang Angel Of Mine ni Monica.

Kahit gabi na ay marami pa rin talagang mga nakatambay o napapadaan dito sa park, lalo na ang mga couple. Palibhasa kasi ay maganda rito at maliwanag dahil maraming mga ilaw. Bukod pa roon ay malapit lang din kami sa playground.

I was about to get my bottle of water when I noticed that it was already empty. Nagtataka ko namang tiningnan ang batang lalaki na bigla na lamang sumulpot at lumapit sa akin.

"Ipinabibigay po sa inyo," aniya at inabot sa akin ang isang bote ng tubig.

He's a different boy because every time I'm doing busking, some kids will suddenly come up to me and hand me handkerchiefs and sandwiches.

Noong nakaraang gabi, may lumapit sa akin na bata at inabot sa akin ang panyo. Tinanong ko kung kanino galing pero ang sabi ay punasan ko raw ang pawis ko para hindi raw ako magkasakit.

May nag-abot din sa akin ng sandwich para hindi raw ako magutom. Tapos ngayon ay isang bote ng tubig? Ni hindi ko nga alam kung sino ang nag-uutos sa kanila na ibigay sa akin ang mga 'yon.

"Bata, kanino ito galing?" mahinahon kong tanong sa batang lalaki. Umaasa ako na sabihin niya sa akin kung sino ang nagpapabigay.

He shrugged. "Sinabi lang niya po sa akin na ibigay ko po ito sa inyo kasi ubos na raw po tubig mo," cute niyang sagot.

Hindi na ako ulit nagtanong dahil kaagad siyang tumakbo palayo at nagtungo papunta sa playground. Inikot ko ang aking tingin sa paligid ko, ngunit wala naman akong napansin na kakaiba o kakilala na maaaring magbigay sa akin ng tubig.

Tanging nakikita ko lang ay ang mga tao na hindi ko kilala at napapadaan lang upang manood ng busking ko. Ang iba ay lumalapit upang maglagay ng pera sa case ng gitara ko.

Uminom na ako ng tubig at pinagpatuloy ang aking busking. I sang Coco Lee's "Before I Fall In Love" passionately, and everyone was amazed at my voice.

Habang kinakanta ko ito ay bigla na lamang pumasok si Father Herschel sa aking isipan. Why is he the one running through my mind? Bakit parang inaalay ko na yata sa kaniya ang kantang ito?

"Someone who'll stay around
Through all my ups and downs..."

Pero tama ba itong nakikita ko ngayon? I see Father Herschel and he is also in the crowd. I can clearly see his smile with amusement in his eyes. He was also enjoying my performance.

"Please tell me now
Before I fall in love..."

Ngunit hindi nga ako nananaginip ng gising dahil pagkatapos kong kumanta ay isa siya sa mga pumalakpak habang wagas ang kaniyang ngiti. Saktong alas diyes ay natapos na rin ang busking ko kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko.

"What are you doing here? Wala ka ba'ng ginagawa sa kumbento?" tanong ko nang makalapit si Father Herschel sa aking gawi.

"I just want to see you," diretso niyang sagot na halos magpabingi sa aking tainga.

"Huh?" And my forehead furrowed.

I probably misheard him, didn't I?

Father rubbed the back of his head awkwardly. "I just want to make sure you're safe. And I'm also here to pick you up," he replied shyly.

Kinuha niya sa akin ang gitara ko at siya na ang nagbitbit nito. I also noticed that he was holding a black sketchpad.

"Ang mga bata pala?" I asked.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon