35

996 103 48
                                    

KYERRA

Hindi ko alam kung paano ko kakayanin na i-absorb lahat ng mga nalaman ko. Para akong masisiraan ng ulo dahil sa mga rebelasyon na ito. Tahimik ko lang din na pinagmasdan ang ama ni Herschel habang narito kami sa kaniyang kwarto.

“Nagpunta po si Herschel sa office ninyo. He is expecting to see and talk to you, sir,” magalang kong basag sa katahimikan.

Bumuntonghininga siya. “Matagal na akong hindi nakalalabas ng bahay na ito, hija. Kinulong na ako ni Navarette rito mula nang malaman ko ang krimen na ginawa niya.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Krimen?”

May tinuro siya kaya sinundan ko ito ng tingin. “Buksan mo ang cabinet ng bedside table at nariyan lahat ng mga ebidensya na ginawa niya,” utos niya kaya kaagad akong tumalima.

Kinuha ko roon ang tinutukoy niya. May brown na envelope akong nakita at nang buksan ko ito ay mayroon itong mga mahahalagang dokumento at isang flash drive.

“Kilala mo si Herschel, 'di ba? Magkaano-ano kayo ng anak ko?”

Saglit akong hindi nakaimik bago ako nagsalita. “Mahalaga po sa akin si Herschel,” simple kong sagot imbis na sabihin kung ano nga ba ang relasyon naming dalawa ni Herschel.

Hindi ko pa pwedeng sabihin na kami na dahil wala akong kasiguraduhan kung kami na ba talaga. May mutual understanding? Siguro ay 'yon ang pwede kong sabihin. Nagmamahalan naman kaming dalawa kahit mali dahil hindi pa naaprubahan ang pag-alis niya bilang pari.

Tipid siyang ngumiti. “Kung ganoon, pakibigay na lang sa anak ko ang mga dokumento na iyan pati ang flash drive.”

Binasa ko ang nasa papel at isa itong legal at official na notaryo kung saan may pirmado na ng daddy ni Herschel. Nakasaad dito na ipinapasa na niya ang lahat ng ari-arian niya kay Herschel.

Kung hindi man ito tanggapin ni Herschel, ang lahat ng kayamanan ni Mr. Tolome Orson ay mapupunta sa mga charity. Nakasulat din na wala kahit ni piso na makukuha si Navarette at ang anak nitong si Damian.

“Ano naman po ang nakalagay rito sa flash drive? Ito po ba 'yong hinahanap nina Viela? Narinig ko po kasi kanina na may hinahanap silang bagay at mukhang ayaw po nila na maunahan ko sila na mahanap ang ebidensiya na sinasabi nila,” pagtatanong ko.

“May iba pa silang flash drive na hinahanap, hija. Ang flash drive na iyan ay ebidensya na may kinalaman si Navarette sa pagkamatay ng ina at kapatid ni Herschel. Walang kaalam-alam sina Navarette na may itinago akong mga ebidensya,” aniya kaya bahagya akong nagulat.

“Mahalaga 'yan kaya ingatan mo at siguraduhin na makakarating 'yan kay Herschel,” dugtong niyang sabi.

“Paano po kayo nakakuha ng ebidensya? Naguguluhan po ako. Tiyak na maiisip ni Navarette na linisin ang lahat ng krimen na ginawa niya,” naguguluhan kong tanong sa kaniya.

He took a deep breath. “Noong araw bago namatay ang ina ni Herschel at si Solene, nakapag-usap pa kami ng mama niya. Plano ko na ibigay na lahat sa kaniya ang mga mamanahin niya, at nalaman iyon ni Navarette kaya siya nagalit at nagkaroon kami ng pagtatalo. Hindi ko lubos maisip na mag-uutos siya na patayin ang aking mag-ina,” pagkukwento niya kaya tahimik akong nakinig.

“Navarette is an evil witch and manipulator. Aminado ako na nakagawa ako ng malaking pagkakamali dahil nagtaksil ako sa ina ni Herschel at Solene. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nakita ko kay Navarette para iwan ko ang mag-iina ko at piliin siya. Isa iyon sa higit na pinagsisihan ko, hija.”

He sighed heavily. Bahagya rin niyang iniyuko ang kaniyang ulo dahil sa hiya at ramdam ko ang labis niyang pagsisisi.

“Nagkataon na papunta ako sa ibang bansa para sa business trip ko nang may tumawag sa akin at ibinalita ang nangyari kina Solene. T-They were brutally murdered, so I didn't hesitate to confront Navarette because I knew she was the only one who could have committed that crime, pero ayaw niyang umamin noong una. M-Masakit sa akin na nawala sila. Nahiya ako at natakot na humarap kay Herschel kaya hindi ako nagpakita sa burol kahit sa libing, because I know my son hates me and he will blame me for the death of his mother and baby sister,” mahaba at garalgal niyang wika.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon