17

1.1K 346 55
                                    

KYERRA

Simula nang mag-open ako ng saloobin ko kay Father Herschel ay mas lalo lang akong napalapit sa kaniya. Alam ko, at nararamdaman ko na mula nang dumating sa buhay ko si Father ay marami na rin ang nagbago sa akin. Unti-unti ko na ring binibigyang-daan ang sarili ko na tanggapin sila at papasukin sa buhay ko.

I think I'm ready to forget everything. I'm ready to let go because it's time to move on, and start a new chapter of my life. I know that moving forward is the only way to find my happiness again. Lalo na ngayon, nakikita at nararamdaman ko na napapaligiran ako ng mga mabubuting tao.

Siguro nga ay hindi ko dapat sisihin ang Diyos sa lahat ng mga nangyari sa akin. Siguro nga'y sinubukan lang niya ang pananampalataya ko sa Kaniya. And I am thankful that Father Herschel made me realize that. Siya ang dahilan kung bakit unti-unti na rin bumabalik ang pananalig ko kay Lord.

“You were great earlier. Masaya ako na natutuhan mo kung paano gumamit ng gitara, at nakapag-perform ka kanina na hindi kinakabahan,” puri ko kay Zinnia.

Lumaki ang ngiti niya bago siya yumakap sa braso ko. Tapos na ang music recital niya at naging maganda ang kinalabasan ng resulta. Palabas na rin kami ngayon sa school niya para sunduin si Yves.

“And that's because of you, ate. Thank you talaga sa tulong mo. Ang swerte ko dahil ikaw ang naging ate ko,” sweet niyang sabi kaya mahina akong natawa.

“Iyan! Ngumiti ka at tumawa! Mas maganda ka kapag nakangiti!” aniya sa masayang boses kaya lalo akong natawa.

“Huwag mo nga akong bolahin. Tara na, susunduin pa natin si Yves,” sagot ko kaya napa-giggle siya.

Sumakay na kami sa naghihintay sa aming sasakyan at nagtungo na sa school ni Yves. Si Yaya Carmen na ang pumasok sa loob para sunduin si Yves, kaya naghintay na lamang kami sa loob ng sasakyan.

Mayamaya ay dumating na rin sila kaya kaagad na kaming umuwi sa bahay. Pero habang nasa biyahe kami ay napansin ko ang pananahimik ni Yves. Himala yata at hindi siya makulit. Hindi rin siya nang-aasar, at tila wala siya sa mood.

Hindi iyon napansin ni Zinnia dahil nakapokus siya sa cellphone niya at ka-chat ang mga kaibigan niya. Nakarating kami sa bahay na wala pa ring imik si Yves. Dire-diretso lang siyang umakyat sa itaas kaya nagpasya akong sundan siya hanggang sa pumasok siya sa kaniyang silid-tulugan.

Mahina akong kumatok sa pinto kaya nakuha ko kaagad ang kaniyang atensyon.

“Ayos ka lang ba?”

Hindi siya sumagot.

Nananatili lang siyang nakaupo sa dulo ng kama habang inaayos niya ang mga drawing niya. Out of curiosity, I silently scanned the surrounding of his room. Maraming mga Spiderman sa kwarto niya, at may mga nakapaskil din na mga drawing sa pader.

I sighed heavily. Humakbang ako papasok sa loob at naupo sa kaniyang tabi.

“My classmates teased me earlier at our Arts and Crafts Fair dahil si yaya lang ang kasama ko kanina. Samantalang sila, kasama ang mga parents nila,” mahinahon ngunit may lungkot niyang sabi.

Oo nga pala, ginanap iyon kanina sa school nila. Tanging si Yaya Carmen lang ang kasama niya dahil nagpunta rin ako sa music recital ni Zinnia. Sa Biyernes pa kasi makakabalik sina mommy at Tito Manuel. Hindi rin nakapunta si Father Herschel kanina dahil sa busy siya sa simbahan.

“I presented my artwork kanina na wala sina mommy at daddy,” turan niya pa dahilan para makaramdam ng kirot ang puso ko. Naalala ko tuloy bigla ang sarili ko sa kaniya.

I gently patted his head. “Three days ang Arts and Crafts Fair ninyo, 'di ba?”

He nodded softly.

“Do you want me to go to your school tomorrow? Para suportahan ka.”

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon