6

1.1K 387 91
                                    

THIRD PERSON'S POV

“Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?” basag ni Conan sa katahimikan. Nilingon ni Herschel ang kaniyang kaibigan. He released a deep sigh bago niya binalik ang kaniyang tingin sa kalsada.

“You can't get her out of your head,” paghula ni Conan. Tinutukoy niya ang babae kanina.

Sa halip na sumagot ni Herschel ay muli lamang siyang bumuntong hininga. Kagagaling lang nila sa bachelor party ni Palermo. Hindi na rin sila nagtagal dahil may trabaho pa si Conan at siya naman ay kailangang bumalik agad sa Batangas. Sakto na nakita niya ang babaeng iyon sa tulay at inakala niya na ito ay magpapatiwakal.

“Ano 'yong sinulat mo sa papel?” Conan asked out of curiosity.

“Something that can ease her mind and heart. Maybe that little miss needs someone to talk to, or someone who is willing to listen to her. Kaya sinabi ko sa kanya sa sulat na pwede siyang magpunta sa San Agustin,” sagot niya.

“Looks like that girl got your attention, huh? May endearment ka na agad sa kanya.” And Conan smirked.

Napailing si Herschel sa sinabi nito.

“I just want to help her. I know and feel that she is not okay. She couldn't hide the lie from her eyes...” saad niya.

“You know me, Conan. I am the type of person who is willing to help lalo na sa mga nangangailangan ng tulong. Just like you did to Aysel, right?”

Natahimik si Conan. Just hearing her name immediately caused his heart to thump heavily. Malakas at kakaiba talaga ang dala ni Aysel sa kaniya.

“So what's your plan? Mukhang curious ka sa pagkatao niya,” tanging naitanong ni Conan para hindi mapunta kay Aysel ang topic. He was just too careful to talk about her, lalo na't malalim din ang pinagdadaanan ng dalaga.

Herschel shrugged. “I don't know. We didn't even ask what her name was. Wala rin akong kasiguraduhan kung susundin niya ang sinulat ko sa papel. Malinis at wala rin akong masamang intensyon kaya ko siya gustong tulungan.”

“I don't understand myself, but I see myself in her. It's like we're both in the same boat. If you try to look closely at her eyes, you will see that she has many emotions that she seems to be trying to hide. Pain, misery, despair...” he continued.

Umangat ang gilid ng labi ni Conan.

“Baka naman may dahilan kung bakit nag-krus ang landas ninyong dalawa? Malay mo, siya na pala ang nilaan ni Lord para sa iyo?” aniya bago siya natawa dahil sa naging eskpresyon ni Herschel.

“Stop with that kind of joke. Alam mo naman na sa ating magkakaibigan, ako lang ang tiyak na hindi mag-aasawa. That's what I swore before I entered the seminary,” sagot niya rito.

Sa kanilang magkakaibigan, siya ang mas matanda. He was twenty nine years old now, but he still remained a good looking man. Noon pa man ay binalak na talaga ni Herschel na maglingkod sa Diyos.

But that changed when he met her: the first woman he ever fell in love with, but also the first woman who broke his heart. Dahil sa babaeng ito kaya tinuloy niya ang pagiging isang pari.

Bahagya namang natawa si Conan sa kaniya. Muntik na niyang makalimutan na isa nga palang pari ang kaniyang kaibigan. Kailanman ay hindi na talaga ito iibig ng babae dahil nilaan na nito ang puso at atensyon sa paglilingkod sa Diyos.

KYERRA

Tapos na akong mag-impake kaya binitbit ko na ang mga bag ko dahil naghihintay na rin sa akin si mommy sa sala. Nadatnan ko naman silang lahat na nasa ibaba. Mommy was busy looking around, sa tingin ko ay napansin niyang marami na ang nagbago rito sa bahay namin.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon