THIRD PERSON'S POV
“Natanggap mo na ba ang envelope?” narinig ni Herschel na tanong ni Arawn. Kasalukuyan niya itong kausap sa kabilang linya.
“Yes, natanggap ko na. Dinala ng private investigator mo kanina sa akin,” kaniyang sagot sa mahinahon na tono.
“Thank you, Arawn.”
“May I ask who that girl is and why are you investigating her?” Arawn asked out of curiosity.
Malalim na bumuntonghininga si Herschel. Mariin din niyang pinagkatitigan ang magandang mukha ni Kyerra na iginuhit niya sa sketch pad.
“She is someone who has a special place in my heart, and someone who is most important in my life,” he replied.
Ngumiti siya kahit hindi siya nakikita ni Arawn. Hindi kayang magsinungaling ng puso niya. Alam ni Herschel kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga.
He never imagined he would fall for her. Basta natagpuan na lang niya ang sarili na hinahanap ang presensya ni Kyerra, hanggang sa patago niyang pinupuntahan ang dalaga tuwing nagba-busking ito.
He cares about her, wants to be close to her, but he didn't expect that he would end up falling in love with her. Alam niyang mali, ngunit hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili niyang nararamdaman para kay Kyerra.
He wants to be a part of her life and make her his everything. He confessed in the confessional room, and admitted his true feelings. Herschel was determined in this decision. He really wanted to belong to her world and be the one who win her heart.
“So, you are in love...” mahinang sambit ni Arawn. Kahit wala ang kaibigan niya sa kaniyang harapan ay alam ni Herschel na nakangisi ito.
“I'm in love even though it's wrong and it's a sin,” he boldly admitted.
“Ano na ang pinaplano mo ngayon? Alam mo naman na bawal 'yang makasalanan mong pag-ibig. You also took a vow of celibacy.”
Saglit na hindi nakasagot si Herschel.
Nangako siya na hindi mag-aasawa o magkakaroon ng sekswal na relasyon dahil isa siyang pari at mas mainam na pagtuunan niya ang kaniyang bokasyon na walang ibang iniisip. Ngunit nang dumating sa buhay niya si Kyerra, bigla na lang nagbago ang lahat. Hindi lang isip niya ang nagulo, kundi pati na rin ang kaniyang nananahimik na puso.
Buo na rin ang kaniyang desisyon. Tatalikuran na niya ang pagiging pari at aalis sa kumbento kahit matagal ang proseso nito, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay tatalikuran na rin niya ang pananampalataya niya sa Diyos. That will never happen. Nasa puso pa rin niya ang Panginoon, at mananatili pa rin na sentro ng kaniyang buhay.
“Anyway, I need to hang up this call. Just let me know if you need anything else. I'm willing to help you,” paalala ni Arawn kaya nagpasalamat siya.
Nagpaalam na siya bago niya pinatay ang tawag. Kinuha niya ang envelope na nakapatong sa kaniyang desk. Naglalaman ito ng mga personal na bagay tungkol kay Kyerra dahil gusto niyang malaman ang lahat sa dalaga.
He was about to open it when his phone rang. Akala niya ay may nakalimutang sabihin si Arawn, pero hindi ang kaibigan niya ang tumatawag.
Si Zinnia ang nasa caller I.D niya.
“Bakit, Zinnia?” kaagad niyang tanong nang masagot niya ang tawag.
“Father? Pasensya na po sa abala, pero nariyan po ba si Ate Kyerra?” Nahimigan niya sa kabilang linya ang nanginginig nitong boses.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...