KYERRA
Hindi lang mga sugat ko sa katawan ang nararamdaman kong sakit ngayon, kundi pati na rin ang hapdi sa pagitan ng aking hita. Maliwanag na rin nang imulat ko ang aking mata, ngunit ang mainit na pagsasalo namin ni Herschel dito sa loob ng kuweba ang una kong naalala.
I couldn't stop smiling, I'll never forget the wild thing we did last night. Masakit dahil first time ko, pero nakatutuwa dahil first time rin ni Herschel. Ginusto ko ang nangyari kagabi kaya wala rin naman akong pinagsisisihan. Kailangan ko lang tanggapin at panindigan na isinuko ko na sa kaniya ang Bataan.
Maingat akong umikot upang pagmasdan si Herschel. His arm was still wrapped around my waist as he slept peacefully. He was cute and innocent, kaya hindi ko napigilan na hagkan saglit ang kaniyang labi.
Bumaba ang tingin ko sa mga tattoo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may mga ganito siya. Pero para sa akin, ang pagkakaroon ng tattoo ng isang tao ay hindi nasusukat na masama siya.
For me, this is beautiful. Kaagad na umangat ang kamay ko upang haplusin ang mga tattoo niya. Ngunit ang kamay ko ay naging mapangahas dahil bumaba ito papunta sa kaniyang abs.
Nahinto lang ako nang gumalaw si Herschel at hinawakan ang aking kamay. I looked into his eyes and he was awake now. Nakatitig lang siya sa akin, habang may matamis na ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi.
“Good morning, my beautiful sunshine,” bati niya kaya gumuhit ang ngiti ko at masaya ko rin siyang binati.
“If you don't mind me asking, bakit ka pala nagpa-tattoo?” I asked.
“Nagpa-tattoo ako noong panahon na napa-barkada ako at naging matigas ang ulo. Iyon 'yong time na muntik na akong maligaw ng landas dahil sa pagkawala ng mommy at kapatid ko,” kaniyang tugon kaya napatango ako at hindi na ulit nagtanong pa.
Ginawaran ko siya ng simpleng halik sa labi. “Umaga na, kailangan na nating makabalik sa campsite.”
He sighed and got up. Tinulungan din niya akong makabangon. Mahina pa akong dumaing nang kumirot ang ibaba ko. Parang pati ang pagkababae ko ay nasugatan. Malamang ay dahil na rin sa unang beses kong karanasan at may kalakihan ang pinagmamalaking alaga ni Herschel.
“Does it still hurt?” nag-aalala niyang tanong at inginuso ang nasa pagitan ng aking hita.
“Masakit pero natitiis ko naman,” sagot ko na ikina-buntonghininga niya.
“Nauna na ang honeymoon natin,” wika niya na nagpatawa sa akin ng mahina.
“Pero pananagutan at pakakasalan kita,” dagdag niya dahilan para malamlam akong tumitig sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagiging seryoso niya.
“Promise me that. Promise me that you will marry me,” sambit ko. Nakangiti siyang tumango at masuyong hinalikan ang likod ng aking palad.
“I promise because that's what I want. You deserve all the good things in the world, my Kyerra. I want you to be my lifetime partner, kaya hindi ako magdadalawang isip na iharap ka sa altar. So you will marry me and I will ensure that we have a harmonious time together until we grow old,” pangako niya kaya unti-unting lumapad ang ngiti ko.
“Hindi ka naman aatras, 'di ba? Hindi mo ako iiwan mag-isa sa altar?” he asked while raising one eyebrow.
I let out a little giggle. “Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay ni Lord sa akin, 'no! Bakit pa ako aatras, samantalang gusto ko rin naman na maikasal sa iyo, aber?”
He chuckled and gently squeezed my cheek. “Let's pack up and head back to the campsite. Tiyak na labis na ang pag-aalala nina Mrs. Angeles sa iyo,” turan niya kaya tumango ako bilang tugon.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...