3

1.2K 391 23
                                    

KYERRA

Gabi na ng makauwi ako sa bahay para kunin ang aking gitara. Alas otso ang start ng solo gig ko sa sarili kong club house. I am a performer, and that's my freelance work besides being the owner of the club house. Bukod doon ay kumakanta rin ako sa mga event tulad ng kasal o sa patay.

Pagpasok ko pa lang sa loob ay naririnig ko na ang mga boses nila sa loob ng dining area. Napansin ko rin ang mga bagahe sa sala.

Mukhang nandito na si Viela.

"Is Kyerra home yet? We should eat dinner with her today." I knew that voice was from Viela.

"Pauwi na rin 'yon si Ate Kyerra. Magsimula na lang tayong kumain kapag nandito na siya," sagot ni Arisha.

"Ano ba kayong dalawa, huwag na natin siyang hintayin dahil sigurado na busy na naman 'yon sa paggawa ng kalokohan!" Roselle blurted.

I could feel the irritation in her voice. Nandito lang ako, nakatayo at pinakikinggan ang pinag-uusapan nila lalo na ang mga sinasabi ng matandang 'yon.

"Lola, she is our sister..." salita ni Arisha sa mahinahong boses.

"Kapatid mo lang naman siya sa ama. Ang totoo mong kapatid ay si Viela lang. Ewan ko ba kasi sa daddy ninyo! Why did he still let her be here with us? Nandiyan naman ang ina ni Kyerra," wika ng matandang 'yon.

"Bellamy should be the one taking care of her daughter. Nakikihati pa tuloy ang Kyerra na iyan sa atensyon ng daddy ninyo. Nagkakaroon pa sila ng communication ni Bellamy dahil sa batang 'yon. Paano na lang kung landiin ni Bellamy ang daddy n'yo? Paano na ang Mommy Samber ninyo?" mahabang reklamo ni Roselle na naging sanhi upang umangat ang isa kong kilay.

"'Ma, pwede ba? Nasa harap tayo ng pagkain. Paano kung marinig ni Remi ang mga pinagsasabi mo? Baka ikaw pa ang palayasin niyan eh," saway ni Tita Samber sa kanyang ina.

Kaya pala ganito na lang makapagsalita ang matandang ito dahil hindi nila kasama si daddy sa loob.

"Mom, tama naman kasi talaga si lola. Mula sapol ay nasa poder na ni Daddy Remi si Kyerra kahit ang lola na ni Kyerra ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. She should be in Batangas right now, with her mother. Siya dapat ang nag-aalaga sa anak niya pero bilang lang sa kamay siya magpakita. Wala siyang kwentang ina," sabat ni Viela kaya tila uminit ang ulo ko ngunit may halong katotohanan ang huli niyang sinabi.

"Isa pa 'yang si balae, kung hindi niya inako ang pag-aalaga kay Kyerra ay tiyak na buhay pa rin siya hangang ngayon. Tingnan mo ang nangyari, dahil sa apo niya kaya maaga siyang nawala."

Ramdam ko sa tono ni Roselle na ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni lola. Lahat sila ay iniisip na may dala akong sumpa o kamalasan. Ako kasi ang huling nakausap ni lola sa telepono bago siya namayapa. Dahil sa dakila akong pasaway, iniisip nila na nagtalo kami ni lola kaya siya inatake sa puso.

I spoke to her on the other line bago siya namatay, pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil putol-putol ito hanggang sa na-cut ang tawag. May tumawag na lang sa akin na sinugod siya sa ospital at doon nagsimula ang bangungot ko.

"Stop it. Hindi na ba kayo nahiya? Tandaan ninyo, pangalawa lang tayo sa pamilyang 'to. The legal daughter here is Ate Kyerra. She is also the first child," turan ni Arisha.

"Pero sino ba ang pinakasalan? Hindi ba't ang mommy mo?" ani Roselle.

"But Tita Bellamy was still the first wife. Sino ba ang may-ari nitong bahay? Hindi ba't ang parents ni Ate Kyerra? Nakikitira lang naman tayo rito, 'di ba? We should have our own house, pero kayo mismo ang nagdesisyon na tumira dito kaya wala po kayong karapatan na sabihin ang mga 'yan. Hindi rin naman pakakasalan ni daddy si mommy kung hindi lang ako dumating," pagtatanggol ni Arisha sa akin kaya tila may kung ano'ng humaplos sa puso ko.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon