14

1.2K 376 93
                                    

KYERRA

I woke up in the late afternoon. Masakit ang ulo ko dahil na rin siguro sa hindi maalis sa isipan ko si Father Herschel kagabi. Natapos ko na rin ang mga dapat kong gawin kaya lumabas na ako ng kwarto ko.

Nahinto lang ako sa paghakbang nang mapansin ko ang papel sa tapat ng pintuan ko. Mabilis ko itong kinuha at binasa. Galing ang sulat na ito kay Father.

"Good morning! Everyday is a blessing, so start your day with a big smile dahil mahal tayo ni Lord."

'Yon lang ang tanging nakasulat kaya tipid akong ngumiti. He's already spreading good vibes and positivity. He is not only the kindest person, he is also the sweetest man I have ever met. Paano ko ba maiiwasan ang lalaking 'to kung siya na rin mismo ang gumagawa ng paraan para hindi ko siya layuan?

I sighed.

Tinago ko ang papel sa loob ng diary ko bago ako nagtungo sa ibaba. Tahimik din ang buong bahay dahil wala ang mga bata, lalo na ang makulit na si Yves. Mabuti na lang ay hindi na niya inulit ang mga ginawa niya sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa loob ng kusina.

"Good morning po," bati ko kina Manang Olivia dahil sila ang naabutan ko sa loob.

Medyo nagulat pa sila dahil siguro ito ang unang beses na ako ang unang bumati sa kanila. May mga nakahanda na rin na pagkain sa lamesa kaya kumain na ako. Pero katulad nga ng paalala lagi sa akin ni Father Herschel, magdasal muna ako.

I also prayed before I went to sleep last night. Napapansin ko na rin ang unti-unti kong pagbabago. Siguro ay dahil napaliligiran ako ng mga mabubuting tao? That they don't give me stress or problems, but they give me positive energy. Siguro nga'y oo.

Matapos kong kumain ay hinugasan ko agad ang pinaggamitan kong pinggan. Nagmamadali akong bumalik sa silid ko para kunin ang aking sling bag dahil kukunin ko pa sa munisipalidad ang permit kong makapag-busking sa parke. Pwede na rin ako magsimula mamayang gabi.

Hindi na ako nagpahatid sa family driver nina mommy. Hindi na rin ako nagpasama sa mga bodyguard nila dahil kaya ko naman ang sarili kong mag-commute. Mabilis lang din lumipas ang oras dahil nakuha ko rin kaagad ang permit ko.

Palabas na ako sa munisipalidad nang marinig ko ang cellphone kong tumutunog. Pangalan ni Father Herschel ang nakita ko sa caller ID dahil ni-save ko rin ang kaniyang number.

"Bakit ka napatawag?" bungad kong tanong sa seryosong boses.

He chuckled. "Ang sungit mo talaga. Napatawag ako dahil kailangan ko ang tulong mo. Teka, kumain ka na ba?" salita niya sa kabilang linya.

"Yup. Umalis ako sa bahay."

"Saan ka na naman nagpunta?"

"Bakit curious ka?" masungit kong tanong.

"Masama ba magtanong? Bakit ba lagi mo na lang akong sinusungitan?" aniya sabay tawa. Wala lang, trip ko lang talaga siyang sungitan kahit isa pa siyang pari.

Bumuntong hininga ako. "Kumuha lang ako ng permit para makapag-busking ako mamayang gabi. Ano ba'ng kailangan mo?"

"Pumunta ka rito sa San Agustin. Kailangan ko lang ng tulong mo. Hihintayin kita," utos niya bago niya binaba ang tawag.

Nagtalo pa ang isip ko kung makikinig ba ako sa kaniya, pero kalaunan ay nagpasya pa rin akong sumunod sa utos niya. Pumara ako ng tricycle at sinabi lang kung saan ako ibababa. Wala pang sampung minuto ay nakarating na ako sa San Agustin. Nagbayad lang ako kay manong bago ako pumasok sa loob.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon