Kyerra Francine Alcantara's
Blanko lang ang aking mga mata nang tumingin ako sa ibaba. I am now on the bridge, pinagkatitigan ko rin maigi ang tubig. Nakalulula dahil masyado itong mataas. Tiyak na sobrang lalim ng tubig kung sakali man na mahulog ako sa tulay na ito.
Subalit hindi ako nandito para magkaroon o gumawa ng isang malaking kasalanan. I'm not here to take my own life. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo upang gawin ang bagay na iyon.
I am here to have peace of mind. Marami na akong problemang iniisip. I've been getting drained lately at parang malapit na rin akong mag-break down.
That's why I'm here on the bridge and this is my favorite spot lalo na kapag gusto kong mapag-isa o kapag may iniisip akong problema. Lagi akong dumadaan dito, especially when I want to breathe fresh air or when I want to relax.
This is also the place where I first met him; my first love. Malungkot kong pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Walang masyadong dumaraan na sasakyan sa tulay na ito kaya payapa ang aking paligid.
"Masaya na ba kayo riyan?" I asked softly. Pinipigilan kong huwag maiyak. Wala na rin akong luhang mailalabas dahil kahit ang mga mata ko ay pagod na rin sa pag-iyak.
"Ang daya ninyo, iniwan n'yo agad ako..." mapait kong sambit.
Mahigpit kong hinawakan ang kwintas na iniwan sa akin ni lola bago siya namayapa. Dalawang taong mahalaga sa buhay ko ang wala na. Si lola na tangi kong kakampi ngunit pumanaw dahil sa atake sa puso. At ang unang lalaking minahal ko at nangako na pakakasalan ako, subalit kinuha rin siya sa akin dahil nasangkot siya sa aksidente.
Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga habang bumabalik ang alaala ko sa mga nangyari bago nasangkot sa aksidente si Damian.
We are celebrating our first anniversary as a couple. He took me to a restaurant for a date, we had dinner and we had a great time that night. We even danced and had so much fun together.
He made our first anniversary date unforgettable, filled with love and full of heartfelt moments. Nagawa pa niya akong ihatid sa tinutuluyan kong condo, until someone called me early in the morning and that's when I received a bad news that shattered my world.
I was devastated when the doctor told me that he was gone. Hindi ko matanggap, at halos hindi ako makapaniwala sa nangyari. Nabangga ng truck ang minamaneho niyang kotse. Kasama ko pa siya, masaya pa kami pero sa isang iglap ay wala na siya.
That time ay hindi ko pa matanggap ang pagkawala rin ng lola ko. Tapos siya ang sunod na nawala? Why is the world cruel to me? Why can't I be happy? Ang malas ko na nga sa pamilya, ang malas ko pa sa pag-ibig. Siguro nga ay nabuhay lang ako para mag-suffer at maramdaman kung gaano kapait ang buhay.
Siguro nga'y nakatadhana akong mapag-isa at walang karamay. Sabagay, tinutulak ko rin palayo ang mga taong gustong pumasok sa buhay ko. Because no one wants to be with me. All my friends turned their backs on me and betrayed me.
My parents were my first heartbreak. It was with them that I first felt the pain and emptiness. Now they are living apart, so our home that used to make me feel safe has become cold and unfamiliar. Every corner of our house, once filled with laughter and happy memories is now gone. I can't find my home anymore.
I sighed heavily. Ilang minuto pa akong nanatili sa tulay bago ako nagpasyang umalis na dahil malalim na rin ang gabi. Pasado alas dose na rin. Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang iyak ng isang kuting.
Nakita ko itong nakakapit sa barandilya ng tulay. Nasa tono niya ang takot at paghingi ng tulong habang ang kanyang maliliit na paa ay mahigpit na nakakapit sa bakal ng riles upang hindi siya mahulog.
Nakaramdam ako bigla ng pagkabahala kaya dali-dali akong lumapit upang tulungan ang kuting. Medyo mataas ang barandilya at hindi ko rin siya magawang maabot, kaya ang ginawa ko ay umakyat ako sa riles ng tulay.
Kung sinuman ang makakita sa akin ngayon ay tiyak na iisipin na ako ay tatalon. But I just want to help the kitten. Mas may malasakit pa nga ako sa mga hayop kaysa sa kapwa ko. I have become distant from everyone since my loved ones passed away. I don't want to get attached again, that's why I built walls to protect myself from pain, especially the hurt of betrayal and disappointment.
I don't want to be vulnerable. I want to move on from my painful past. I want to heal and find solace in my own company, and that's the reason why I always want to be alone. I'm not ready to open my heart again and let someone in again. It makes me feel terrified, so solitude is better, safer and more peaceful.
"Wait lang," salita ko sa kuting na panay pa rin ang palanghaw dahil sa takot.
Malapit ko na siyang maabot ngunit labis ang gulat ko nang may malaking braso ang yumakap sa beywang ko.
"Are you insane?!" isang malalim na tinig ang aking narinig. Napasinghap ako nang hinatak niya ako palayo sa riles ng tulay. Binuhat niya ako at hindi man lang siya nabigatan sa akin.
"Ang pagpapatiwakal ay hindi sagot sa problema! Pull yourself together and wake up!" aniya bago niya ako ibaba matapos niya akong ilayo sa barandilya.
Magsasalita na sana ako pero sa pagharap ko sa kanya ay natigilan ako bigla. Isang matangkad at gwapong lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Ang maamo niyang mukha ay puno ng labis na takot at pag-aalala. Doon ko rin napansin na may nakahintong sasakyan sa gilid ng tulay at natanaw ko roon ang isang lalaki na nakatingin lang sa amin.
"Tandaan mo, malapit ang Panginoon sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nahahabag ang espiritu. Papawiin niya ang iyong lumbay," muling salita ng estrangherong lalaking ito kaya natauhan ako.
Sino ba ang lalaking ito? Bakit kung makapagsalita siya ay para siyang isang pari?
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...