KYERRA
Hawak ko na ang flash drive na tinutukoy ni Arisha. Siniguro ko rin na may kopya ako just in case na mawala ito sa akin o may gawin si Viela para kunin ito. Gabi na rin akong nakauwi dahil may kinuha lang ako saglit sa memorial park.
Pagkaparada ko sa kotse ko ay napansin ko kaagad na nakasindi na ang mga ilaw sa loob. Marahil ay nakauwi na rin si Herschel. Hindi ko na rin siya nagawang tawagan ulit kanina dahil sa na-lowbat na ang phone ko.
Pumasok na ako sa loob ng bahay, ngunit rumihistro sa aking mukha ang labis na pagtataka nang bumungad sa akin ang mga kaibigan ni Herschel.
“Hi, Kyerra! Kain tayo!” nakangiti na bati ni Zeev sa akin. Para lang silang nasa piyesta dahil kasalukuyan silang kumakain sa sala kaya tinaasan ko sila ng kilay.
“At ano na naman ang ginagawa n'yo rito?” nakapamewang kong tanong sa kanila.
“Nakauwi ka na pala,” sulpot ni Herschel na kalalabas lang sa kusina.
Nakasuot siya ng apron bago niya ako masayang sinalubong. He even spread both of his arms to hug me. Humalik lang siya sa aking labi at hinayaan ko lang siya na yumakap sa aking beywang. Kahit paano ay nawala ang pagod ko; pagod sa katawan maski sa isipan.
“Dumaan lang kami saglit dito. Sakto na nagluluto si Herschel kaya nakikain na rin kami rito,” turan ni Perseus.
“Katatapos ko lang magluto. Hinintay lang kitang makauwi para sabay na tayo kumain. Nakapag-grocery na rin pala ako. Napansin ko kasi kanina na kakaunti lang ang laman ng refrigerator kaya naisip kong dumaan muna sa grocery store bago ako umuwi,” Herschel said and pulled me even closer to his muscular body.
“You also left me a few missed calls earlier. I tried to call you back but your phone was dead. May nangyari ba?” kunot-noo pa niyang tanong.
Naalala ko ang daddy niya kaya sumeryoso ang aking mukha. Mabuti na lang ay bitbit ko ang binigay ni Mr. Tolome kanina kaya hindi na ako pwedeng magpaligoy-ligoy pa.
“We have something important to discuss,” mahina kong sambit bago ko siya hinatak papasok sa loob ng kusina.
“About what?” he asked.
Kaagad kong inabot sa kaniya ang envelope na hawak ko. “Binigay 'yan sa akin ni Mr. Tolome. Gusto niya na iabot ko sa iyo.”
His forehead furrowed. “Wait, nagkita kayo ng dad ko?”
Tumango ako at pilit na ngumiti.
“Damian is alive,” I said almost in a whisper, subalit nagtaka ako nang wala man lang akong nakitang gulat sa gwapo niyang mukha.
“Did you see him?” mahina niyang tanong.
“I saw him with Viela. They have a daughter. Hindi lang din sinasadya ang pagkikita namin ng daddy mo at nang nalaman niyang kilala kita, sinabihan niya akong iabot 'yang envelope sa iyo,” paliwanag ko.
“Paano mo nalaman kung saan sila nakatira?”
“Arisha gave me the address, and she told me to go to that place. Kaya nalaman ko lahat-lahat,” I replied. “Hindi ka man lang ba magugulat sa sinabi kong buhay si Damian?” I asked, causing him to sigh heavily.
“Magagalit ka ba kapag sinabi ko na matagal ko nang alam na buhay siya?”
Uwang ng bahagya ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ko rin siyang tiningnan sa mga mata. Muli siyang nagpakawala ng buntonghininga at hinawakan ang dalawa kong kamay.
“Wala akong ideya na si Damian ang boyfriend mo na inakala mong patay na. I want to get to know you and learn everything about you, so I hired someone to investigate you until I found out about him. So I was also surprised when I found out he was your boyfriend and you thought he was dead even though he wasn't,” mahaba ngunit mahinahon niyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...