24

1.2K 336 53
                                    

KYERRA

My mind went blank when I learned that Viela was Father Herschel's ex-girlfriend. Mula nang malaman ko iyon ay halos buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Iniiwasan ko rin si Father kahit na tawagan pa niya ako sa cellphone ko. Mabuti na lang ay hindi na ulit nanggulo pa si Viela.

Miyerkules na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang bagay na iyon. Bakit si Viela pa ang naging ex-girlfriend ni Father? Bakit siya pa?

“Kyerra, naririnig mo ba ako?”

Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni mommy. Na-realize ko na nandito nga pala kami sa San Agustin at kasalukuyan na hinihintay na dumating ang gagamitin naming bus. Ngayong araw na kasi ang youth camp namin.

“Ano nga po pala ang sinasabi mo, mom?” tanong ko kay mommy na kina-buntonghininga niya.

“It seems like you've been thinking about something these past few days. Ilang araw ka rin nagkulong sa kwarto mo. May problema ba, hija? You can tell me, makikinig ako.”

Ramdam ko sa tinig niya ang labis na pag-aalala. I sighed. Umiling din ako kaagad.

“I'm fine. I just want peace of mind, so I lock myself in my room. Wala po kayong dapat ipag-alala,” mahinahon kong sagot at tipid na ngumiti.

Alam ko na hindi siya kumbinsido sa sinagot ko. Hinaplos lang niya ang pisngi ko bago niya binalingan si Zinnia dahil kasama rin siya sa youth camp. Si Yves ay hindi pwedeng sumama dahil alam nila na pasaway siyang bata. Natatakot din sina mommy na baka mangulit lang siya at mawala pa sa campsite.

Habang nagbibigay ng paalala si mommy kay Zinnia, ramdam ko naman ang matang nakatitig sa akin. Hinanap ko ito at natagpuan ko si Father Herschel mula sa 'di kalayuan sa pwestong kinatatayuan ko. He just silently looked in my direction, at mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

He is with his friends. Tiyak na napapansin niya ang pag-iwas ko sa kaniya. Halata naman dahil kahit sa mga text o tawag niya ay hindi ko sinasagot. Kapag nasa bahay siya at pinupuntahan ako sa kwarto ko upang kausapin ay nagpapanggap akong tulog.

“Uhm, hi?”

Inalis ko ang aking tingin kay Father at nilingon si Caleb na biglang sumulpot sa gilid ko.

“Hi,” nakangiti kong bati sa kaniya.

“I bought some drinks, do you want some?” alok niya sabay angat ng isang supot ng plastic na naglalaman ng iba't ibang klase ng inumin.

My smile widened. “Yeah, sure. Thank you.”

Matamis din niya akong nginitian bago niya inabot sa akin ang Yakult. Ang cute niya dahil ang tenga niya ay medyo namumula pa.

THIRD PERSON'S POV

Kyerra hasn't spoken to him in days. Kapag tinangka niyang kausapin ang dalaga at puntahan ito sa kanilang bahay ay tila umiiwas na ito sa kaniya. And she started avoiding him when she found out that Viela was his ex-girlfriend.

Ni hindi nga niya alam na stepsister pala ni Kyerra ang dati niyang nobya. Wala siyang kaalam-alam kaya pati siya ay nagulantang. Gusto niyang mag-explain, pero paano niya magagawa iyon kung si Kyerra ay ayaw siyang kausapin?

Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan na lang sa malayo ang magandang dalaga. He wanted to come closer to her, talk to her, and hug her tightly.

“Hers? Aalis na kami,” narinig niyang salita ni Thorn.

Hindi niya nilingon ang mga kaibigan niya. Naparito kasi ang mga ito upang ihatid ang mga laruan at damit para sa mga bata. Isa rin sila sa mga sponsor at nag-aabot ng tulong para sa mga batang nasa bahay-ampunan.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon