23

1.5K 350 39
                                    

KYERRA

“Nakausap na ni daddy si mom,” pagbalita ni Arisha sa akin. Nandito ako sa kwarto ko at ka-video call siya.

Sobra din akong nag-aalala sa kaniya kaya tumawag ako para kumustahin siya. Tiyak kasi na siya ang pagagalitan dahil siya ang umamin sa mga kalokohan na ginawa ni Tita Samber at ang lola niyang si Roselle.

“Kumusta ang pag-uusap nila?”

Malalim siyang bumuntonghininga.

“As expected, they fought. Nagalit si daddy, and he should be angry because of everything they did to you. You are the one who suffered because of mommy and lola Roselle's selfishness,” aniya sa malungkot na boses.

“Thank you, Arisha. Thanks for speaking up,” buong puso kong pagpapasalamat. Matamis niya akong nginitian kahit na may bahid na lungkot ang kaniyang mga mata.

“Kasi ate kita at ayoko na kitang makitang nasasaktan. The pain and suffering you have experienced is too much. I don't know how you all coped with it. Alam ko rin na naiinggit ka sa amin, lalo na kay Ate Viela,” aniya sa malumanay na tono.

Natahimik ako dahil totoo ang sinabi niya. Naiinggit ako sa kanila dahil ang atensyon ni dad ay nakapokus sa kanila. Katulad na lamang ni Viela, hindi naman siya tunay na anak ni dad pero mas nakikita at ramdam ko pa ang pagmamahal ni daddy sa kaniya kaysa sa akin.

“Sorry kung hindi ako agad umamin. They're all trying to stop me, but they've gone too far kaya nagsalita na ako,” she added.

I faked a smile. Kung nandito lang siya sa harapan ko mismo ay siguradong niyakap ko na siya.

“Sa katunayan niyan, wala naman talagang kasalanan si dad. He doesn't know anything kaya pare-pareho kayong mga naging biktima.”

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

“What do you mean?”

Bahagyang napayuko si Arisha hanggang sa napansin ko ang pagtulo ng luha niya.

“Dad is very proud of you, Ate Kyerra. Lagi ka niyang pinagmamalaki sa amin kaya sobrang nainggit si Ate Viela sa iyo. Pero sadyang na-manipulate lang siya nina mommy at lola. Even Ate Viela used her acting skills to get dad's attention,” turan niya na nagpa-speechless sa akin.

“How could he be proud of me when he didn't even know I was in top honors? Ni hindi rin siya nakapunta sa graduation ko, hindi rin niya ako binabati tuwing birthday ko,” mapait kong sabi.

Sinusubukan ko na huwag mabasag ang boses ko dahil baka hindi ko kayanin at maging emosyonal na naman ako.

The burden I'm carrying is too much. Lumaki ako na iniisip na walang pakialam sa akin ang magulang ko at hindi nila ako mahal. Dahil iyon ang nakita at naramdaman ko.

Kaya nga naging pasaway ako at laging nasasangkot sa gulo noon dahil iyon lang ang naisip kong paraan para makuha ko ang atensyon nila. Para akong bata na nagpapapansin sa magulang, pero kahihiyan lang ang naidudulot ko.

“Hindi naman talaga nakalimutan ni daddy ang birthday mo. Kinontrol nina mommy ang isip niya, pero maniwala ka man o hindi, never nakalimutan ni daddy ang birthday mo. Kapag galing siya sa trabaho, may bitbit siyang cake. He doesn't know how to express his love for you dahil akala ni dad ay galit ka sa kaniya at lumalayo ang loob mo sa kaniya,” pagkuwento niya kaya uwang ang aking bibig dahil 'di ako makapaniwala.

“He always goes straight to your room after he gets home from work to check on you. You know what? I saw how dad kissed you on the forehead while you were sleeping and whispered that he loved you. He also felt sorry for you because his relationship with your mom didn't work out. It's all mommy and grandma's fault. ‘Yong cake na laging dala ni dad para sa iyo ay patagong tinatapon ni Lola Roselle at palalabasin nila kay daddy na tinapon mo iyon, that's why dad thinks you hate him so much,” nakayuko niyang pagkukwento kaya nanikip ang aking dibdib.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon