8

1.1K 391 95
                                    

KYERRA

Sa sobrang sarap ng tulog ko ay hindi ko napansin ang oras. It's already past seven in the evening. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng mahimbing. Marahil ay tahimik at malamig sa kwartong ito. Wala rin gumugulo sa isipan ko.

Kumakalam na ang tiyan ko sa gutom dahil kanina pa ako walang kain. Hindi rin ako nakapag-tanghalian dahil sa nakatulog ako. Naligo na muna ako at pagkatapos ay nagsuot lang ng simpleng damit.

Nang makuntento ako sa ayos ko ay saka na ako lumabas ng kwarto ko. Sakto na napadaan ako sa isang silid na nakabukas ang pinto. I didn't want to peek but I couldn't help but see who was inside.

A girl sitting on the bed while she strums her guitar. Mukhang nangangapa pa siya sa gitara dahil hindi pa siya masyadong marunong gumamit. Siguro ay siya na si Zinnia. She looks exactly like mom.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo na ako sa ibaba. Ipapaayos ko na lang 'yong gitara ko dahil nasira ito noong gabing hinoldap kami ni Arisha. Kumusta na kaya ang batang 'yon?

“Ouch! That hurts!” I heard a boy's voice.

I looked at him because I didn't mean to bump into him. At isa pa, basta na lang siyang sumulpot sa harapan ko habang tumatakbo kaya hindi ko na kasalanan kung magkabunggo kaming dalawa.

He raised his head to look at me. Hanggang beywang ko lang siya at meron siyang chubby cheeks. He was also holding a toy gun.

“Yves! Stop na! Tinatawag na tayo ng mommy mo para kakain na!” sulpot bigla ng babae na sa tingin ko ay yaya niya.

“Who are you? Why are you here at our house?” That kid asked me innocently.

“Ay Ma'am Kyerra, ikaw po pala!” nahihiya na sambit ng babae nang mapansin niya ako.

“Tara na, Yves. Tawagin na natin ang Ate Zinnia mo at naghihintay na ang mommy at daddy ninyo sa kusina,” aya ng yaya sa alaga niya bago siya tumingin sa akin.

“Ma'am, pinapasabi po pala ni Ma'am Bellamy na dumiretso na po kayo sa dining room para sabay-sabay na po kayong maghapunan,” anito kaya tumango lang ako.

I was about to walk when a small hand grabbed the hem of my t-shirt to stop me.

“I'm still asking you. Who are you ba? Why do you have my mommy's eyes?” muli niyang pagtatanong kaya nagkatinginan kami ng yaya niya.

“Because she is also your mommy's daughter. Siya si Ate Kyerra mo,” nakangiting sagot ng yaya niya.

Sumimangot ang bata. “Hindi ikaw ang ina-ask ko, Yaya Carmen. I'll just let you talk when you're the one I'm talking to, okay?”

Umangat ang kilay ko sa pinakita niyang ugali. Mukhang spoiled brat ang batang ito. Ang yaya naman niya ay napakamot sa ulo at tahimik na humingi sa akin ng pasensya. I looked at him coldly in his eyes. Bahagya rin akong yumuko upang pumantay sa kanyang height.

“Looks like you weren't taught properly, especially proper manners. Kapag kausap mo ang matanda, you should say po and opo. Be polite and respectful,” malamig kong saad sa batang ito.

“But she's just my yaya. She must obey me because my parents pay her a lot for being my nanny,” matigas niyang sagot kaya napangisi ako.

“Pinapasahod nga siya, pero hindi binili ng magulang mo ang buong pagkatao niya. Paano kung ibitin kita ng patiwarik at sabihin kong isa ka lang bata?” bigla kong naibulalas.

“And I'm not your mother's daughter, kiddo. I'm an alien and I took your mommy's eyes. Do you want me to take yours too?” pananakot ko pa dahilan para mabilis siyang magtago sa likod ng yaya niya.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon