13

1.1K 377 50
                                    

KYERRA

Inabot na ako ng gabi bago ako tuluyang nakauwi sa bahay. Mabuti na lamang ay may nahanap na akong pwedeng pagkakitaan. Naisip ko kung ano ang pwede kong gawin nang may nadaanan akong parke kanina.

I've tried busking before, and I want to do it again. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na magtungo sa munisipalidad upang kumuha ng permit para makapag-busking ako.

Mabuti na lang ay pinayagan nila ako at ibibigay na lang daw nila sa akin bukas ‘yong permit. I also did not tell them that I am the daughter of the Vice Governor's wife. Gumawa ako ng paraan na hindi humihingi ng tulong o ginagamit ang kanilang pangalan.

“Good evening po, ma'am,” nakangiting bati sa akin ni Manang Olivia na siyang sumalubong sa pagdating ko.

“Good evening po,” bati ko rin pabalik.

“Ang mga bata po pala?” I asked before I went straight to the stairs.

“Nakauwi na po at naroon po sila sa mga kwarto nila. Tumawag din po sina Ma'am Bellamy at Vice Governor kanina, kinukumusta po kayo. Sinabi ko rin po na umalis kayo,” sagot niya kaya napatango ako.

“Si Father Herschel po?” muli kong tanong, ngunit pareho namin narinig ni Manang Olivia ang ugong ng sasakyan sa labas.

“Mukhang si Father na po ang dumating,” sambit niya. Hindi na ako nagtanong pa kaya umakyat na ako sa itaas para makapagpahinga na.

But I stopped in front of Zinnia's room dahil bahagyang nakabukas ang kaniyang pinto. I peeked inside and saw her busy practicing with her guitar. Napansin ko na mukhang nahihirapan siya, and I also saw how frustrated she was to learn to use her guitar, lalo na sa finger replacement. Marahil ay hindi pa niya masyadong saulo ang mga basic chords.

I took a deep breath before softly knocking on her door, and that was enough to get her attention. Ngumiti siya nang makita ako at tila para siyang nabuhayan ng loob.

“Need my help?”

She excitedly nodded at me.

Bitbit ko ang aking gitara nang pumasok ako sa kwarto niya at naupo sa kaniyang tabi.

“Kanina pa talaga kita hinihintay, ate!” masaya niyang sabi habang ang mga mata niya ay nagniningning sa saya, na para ba'ng ako ang sagot sa problema niya.

I carefully put my guitar down on the floor before I taught her how to use her guitar. Pagod ako pero meron pa rin akong sapat na lakas para turuan siya. Siguro nga'y magkaiba kami ng ama, pero ate pa rin niya ako. I know how to play the guitar, so I can teach her and share what I've learned.

THIRD PERSON'S POV

“Nakauwi na po ba ang mga bata?”

Iyon kaagad ang unang tinanong ni Herschel kay Manang Olivia nang makapasok siya sa loob ng bahay.

“Opo, Father. Kararating lang din po ni Ma'am Kyerra,” sagot nito na kaniyang ipinagpasalamat.

“Nakakain na po ba sila?”

Tumango ang ginang sa kaniya. “Maaga po kumain sina Yves at Zinnia, pero hindi ko po alam kung nakapag-hapunan na ba si Ma'am Kyerra.”

“It's okay. Ako na po ang bahala sa kaniya. You should also take a rest,” sagot niya bago siya umakyat sa taas upang i-check ang mga bata.

Una niyang pinuntahan ang kwarto ni Yves. He found him sleeping on his bed. His room is full of Spiderman, even his bedsheet and blanket. Agaw pansin din ang mga drawing nito na nakadikit sa pader.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon