38

289 43 87
                                    

KYERRA

“So, ikaw pala si Kyerra?” ani ni Navarette. Lahat sila ay naupo sa mga silya. They look like cats ready to pounce on me, but here I am, just smiling evilly.

“I've heard a lot about you, Navarette. I thought you were pretty, that's why Herschel's father chose you, but now that I see you in person but I'm a little disappointed to see that you're not as beautiful as others say. Hindi ko tuloy mahanap kung ano ang nakita ng ama ni Herschel sa iyo, because you are nothing but a discarded worm,” diretso at maanghang kong saad kaya nalukot ang kaniyang mukha.

Napansin ko sina Zeev na nasa labas ng glass wall ng coffee shop, kaya binigyan ko lang sila ng senyas upang gawin na ang napag-usapan naming plano. Tumalima naman sila at pumasok sa loob na hindi napapansin nina Damian.

Nginisian ako ni Viela. “Talagang malakas ang loob mo na pumunta rito. Why, Kyerra? Nandito ka ba para magmakaawa na balikan ka ni Damian ngayong alam mo nang buhay siya?”

I faked a laugh. “Mukha ba akong nagmamakaawa? Do I also look like I'm interested in him coming back to me?”

Tiningnan ako ni Damian na hindi makapaniwala. Para siyang nakakita ng ibang tao sa katawan ko. Do they expect me to kneel down and cry in front of Damian? I know my worth, and I don't have time to beg for trash people like them.

“I'm just here to say good luck to all of you. Because if I were you, I would make the most of my remaining days of being happy and free while I'm not in jail,” dagdag ko na ikinatawa ni Navarette.

“Are you scaring us? Sa tingin mo ba ay kaya mo kaming ipakulong?” natatawa niyang tanong kaya lumapad ang ngisi ko.

“Yes, I can. Dahil alam ko kung ano ang kaya kong gawin,” lakas loob kong tugon kaya unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya.

Nahinto kami sa pag-uusap nang dumating ang waiter at isa-isa na inilapag ang mga kape sa lamesa. Inubos ko na rin ang kape ko habang hinihintay kong inumin nila ang drinks nila.

“Nandito rin pala ako para tanungin kung kaninong urn ang pinupuntahan ko sa memorial park. Damian is alive, so the urn I've been visiting and mourning for almost a few years is definitely not his.”

“Abo iyon ng namayapang pusa. Why, hija? Nagulat ka ba na hindi ang anak kong si Damian ang pinagluksa mo at hindi rin niya abo ang pinag-aksayahan mo ng luha?” sagot ni Navarette.

“Because she's stupid, tita!” halakhak na wika ni Viela kaya natawa sila maliban sa amin ni Damian na ngayon ay nanatili lang nakatitig sa akin at tila nagsisisi.

“Enough. Tapos na ang kalokohan na ito,” seryosong saway ni Damian.

I smiled devilishly as they sipped their coffee. Hinintay ko lang din na makalahati nila iyon. Habang palabas sina Zeev at Perseus ay kumindat pa ang dalawa sa akin kaya bahagya akong napailing.

“Tapos na ang sadya ko rito.” At tumayo na ako. “I have something else to take care of, so just enjoy your drinks. I also have a little gift for all of you, especially for you Damian, kaya pakihintay na lang itong dumating,” I added.

“Ayoko na kasi makihalubilo sa mga masasama ang ugali. Ay, masama rin pala ang ugali ko,” sabi ko pa “Hindi bale, pabahuan na lang tayo ng ugali. Pero kung may itatapon man sa atin, at least hindi ako iyon. Dahil sa sobrang baho ninyo, pati trash bin ay isusuka kayo.”

Nagtagumpay ako sa pang-aasar sa kanila dahil kitang-kita ko iyon sa mga mukha nila lalo na kay Viela.

“Kyerra, please---”

“And thank you, Damian.” Pinutol ko ang sasabihin niya. “Thank you for making me realize that I should choose the right person instead of choosing a stinking trash like you. I realize that you and Viela are compatible, pareho kasi kayong patapon.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 14 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon