27

1K 248 33
                                    

KYERRA

Ang paghahanap ng flag ng kabilang koponan, iyon kaagad ang una naming task ngayong araw. Medyo risky dahil mala-gubat itong campsite at hindi rin namin alam kung saan itinago ang mga flag. Naghiwa-hiwalay na rin kami ng ka-grupo ko upang mapadali ang aming paghahanap.

Masyado yata nilang ginalingan ang pagtatago sa mga flag dahil lumipas na ang kalahating oras ay hindi pa rin namin iyon nahahanap. We also checked inside our tents, but the flag wasn't there.

Kaya inikot na lang namin ang buong campsite. Ang iba ay nagmamadali upang hindi sila maunahan ng iba na mahanap ang flag.

“Ayun, may nakita ako!” rinig kong sigaw ng nasa kabilang grupo kaya kaagad na lumapit ang mga nakarinig.

Nang tingnan ko sila ay mayroon nga silang nakitang flag, ngunit kamalas-malasan nila ay nasa pinakatuktok pa ito ng puno.

“Sino sa inyo ang marunong umakyat sa puno?” tanong ng lider nila pero wala kahit isa ang sumagot. Malamang ay wala ni isa sa kanila ang marunong. Mahina akong natawa dahil bigla na lang silang nanlumo.

Pero ang masaya naming aktibidad ay bigla na lang nabulabog nang makarinig kami ng malakas at kahila-hilakbot na tili ng babae.

Sa curious ng mga kasama ko ay dali-dali silang nagtungo sa tumili. Kahit ako ay napasunod din. Isang babae na hindi namin kilala ang nagmamadaling tumakbo palabas ng camp restroom. Nakatapis pa siya ng tuwalya at halatang takot na takot. Marahil ay nagca-camping din siya rito kagaya namin.

“Ano'ng nangyayari?” mabilis na pagtatanong ni Sister Maria. Kaagad din niyang dinaluhan ang babaeng iyon.

“May sumisilip po sa akin habang naliligo po ako!” iyak niyang pagsusumbong.

“Nakilala mo ba kung sino?” tanong ni Mr. Hernandez. Umiling ang babae kaya nagsimulang magbulungan ang mga kasama ko.

“Mukhang nag-iikot na naman ang taong 'yon,” salita ng camp manager kaya ang lahat ay tumingin sa kaniya.

“What do you mean?” Father Herschel asked.

“Nitong nakaraang araw po na may nag-camping dito, may dumulog din sa amin na sinisilipan daw siya habang naliligo. Kadalasan ay babae ang biktima at naulit pa ang insidenteng 'yon nang ilang beses. Naglagay na nga po kami ng CCTV para mahuli ang taong iyon, pero bigo pa rin kami. Nakatakip ang mukha at mabilis tumatakas para magtago sa talahiban kaya hindi na namin naaabutan,” mahaba nitong pagkukwento.

Nang marinig ko iyon ay kaagad kong hinanap ang kapatid kong si Zinnia. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong magkasama silang dalawa ni Anna. Palibhasa ay hindi private ang campsite kaya malaya na nakapapasok ang kung sinu-sino, lalo na't may malapit din na baryo sa lugar na ito.

“Itigil na muna natin ang activity ngayong araw,” anunsyo ni Father Herschel sa aming lahat at tumango sina Sister Maria bilang sang-ayon.

“Let's think about everyone's safety, so everyone go back to your tents. Just make sure na magkakasama kayo at walang lalayo.”

His eyes were looking at me as if he was also worried about my safety, so I just gave him a slight nod. Ang lahat ay tumalima kaya nilapitan ko na sina Anna at Zinnia.

“Huwag kayong lalayo sa akin, okay?” paalala ko at tumango sila bilang tugon.

Bumalik na kaming lahat sa aming mga tents. Inasikaso na muna nina Father Herschel ang nangyari. Naging usap-usapan ang tungkol sa taong sumisilip sa camp restroom ng mga babae, at palaisipan din sa aming lahat kung sino ba ang taong iyon.

Tiyak na may manyakis na gumagala rito sa campsite at binobosohan ang mga babae gamit ang pagsilip sa camp restroom. Nakaramdam tuloy ng takot at pangamba ang mga kababaihan dahil baka pati sila ay mabiktima.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon