31

1.2K 236 34
                                    

KYERRA

Matiwasay akong nakarating sa dati naming bahay sa Maynila. Nagpasalamat lang ako sa family driver nina mommy at Tito Manuel bago siya umalis at bumalik ng Batangas.

Naipaliwanag ko naman kina mommy na matatagalan ang pag-stay ko rito at mag-isa na lang din akong babiyahe pabalik kaya hindi na nila ako kailangang sunduin pa.

Nahirapan pa akong umalis dahil kay Yves na humabol at gustong sumama sa akin, pero nag-pinky promise naman ako sa kaniya na babalik din ako.

Binitbit ko na ang bag ko at pumasok na sa loob. Mabuti na lang ay binigay sa akin ni mommy ang susi kaya hindi ako nahirapan na buksan ang pinto.

Tahimik at malinis ang buong bahay nang makapasok ako. Wala na rin masyadong gamit dahil ang iba ay hinakot na nina daddy at dinala sa bago na nilang tirahan.

A bittersweet smile immediately formed on my lips. Ang dami kong alaala sa bahay na ito na hindi ko makalilimutan. Masaya, mapait, lungkot at kung anu-ano pa.

Pero totoo nga siguro ang sabi nila, darating din ang panahon para ilayo ka ni Lord sa mga taong walang ibang binigay sa 'yo kundi bigat at sakit sa puso mo.

I left this house with a heavy heart and painful memories, but here I am, returning to our old home where the scars on my heart are slowly healing and fading away. Just little by little, I will find peace again.

My phone rang, so I immediately took it out of my sling back. Herschel was the one calling so I quickly smiled and answered his call.

“How can I help you, my lovely gentleman?” malambing kong bungad kaya narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

“Tumawag lang ako to check if you're okay and if you've arrived at your old house, my sweet missus,” sagot niya kaya napa-giggle ako. Nilapag ko lang ang bag ko sa sahig bago ako naupo sa sofa.

“Ayos lang naman ako, kararating ko lang din dito sa dati naming bahay. Eh, ikaw? Kumusta naman ang araw mo?”

Malalim siyang bumuntonghininga.

“Nagkaroon lang kami ng seryosong pag-uusap ng superyor ng kumbento, pati na rin ang mga may mataas na posisyon sa San Agustin para sa pag-alis ko bilang pari. Medyo matagal pa raw talaga ang proseso nito,” wika niya.

“Did they ask you kung bakit ka aalis sa kumbento?”

“Yes, but I told the truth. Sinabi ko rin na hindi ko na kayang gampanan ang tungkulin ko at gusto ko magkaroon ng pamilya. Binigyan lang din nila ako ng time baka sakali na magbago raw ang isip ko, pero desidido na talaga akong umalis sa kumbento,” ani ni Herschel kaya ako naman ngayon ang malalim na bumuntonghininga.

“Aside from that, I will also be busy working on reopening and investigating the case behind the deaths of my mom and Solene. I also plan to visit my dad,” dagdag niya.

Napatuwid ako ng upo nang marinig ko 'yon. “Really? May humahawak na ba sa kaso?”

“Arawn's private investigator is already working on that. Para na rin hindi ako mahirapan at baka may kapit ang may gawa ng pagkamatay nina mommy at Solene, so wait for me because we'll meet at your house. Mga two days ay nandiyan na ako.”

Nangunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. “Wait, pupunta ka rito?”

“Bakit? Ayaw mo ba akong makita at makasama?” Nahihimigan ko sa tono niya ang pagtatampo.

I laughed a little. “Nagtatanong lang naman ako.”

Mahina lang din siyang natawa. Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan bago siya nagpaalam. Sana lang talaga ay mahuli na kung sino ang mastermind sa pagkamatay ng mommy at kapatid niya, para sa ganoon ay mabigyan na sila ng hustisya.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon