22

1.4K 355 101
                                    

THIRD PERSON'S POV

“Teka nga lang, Lucian. Ano ba nangyayari sa 'yo? Ako ang nahihilo sa 'yo!” rinig nilang puna ni Conan kaya napunta ang tingin nila sa kakambal ni Lycus na si Lucian.

“At nasaan ba kayong dalawa ni Lorcan?” pagtanong naman ni Perseus.

Lorcan, the eldest of the Hellion Triplets, is the one driving the car, while Lucian is holding his phone.

“My baby love is having cravings again, guys. Kaya lumabas 'yang dalawa para maghanap ng pagkain ni Ael,” natatawa na sagot ni Lycus.

“Cravings?” Herschel asked. Halos kilala na niya lahat ng mga babae sa buhay ng mga kaibigan niya at alam nilang lahat na nagdadalang-tao na si Aeliana.

Hindi rin lingid sa kanilang kaalaman ang sikreto ng pamilyang Hellion. They have a polyamory relationship, and that kind of relationship exists in their clan. Mahirap man maunawaan, ngunit nagmahal ang Hellion Triplets ng iisang babae lang.

Lycus nodded. “She wants to eat boiled eggs.”

Kumunot ang noo ni Nyx. “Wala ba kayong itlog diyan sa bahay n'yo? Bakit lumabas pa kayo, eh madaling araw na?”

Thorn laughed softly. “Don't tell me na itlog ng ostrich ang hinahanap ni Ael?”

“Damn you, Thorn. Itlog na tinitinda sa mga mamihan ang gusto niya,” asik ni Lucian.

“She also wants to raise a chicken and make it her pet, pero dapat kulay pink. So, where the hell are we going to find a pink chicken?” pagsali ni Lorcan sa usapan kaya bumalanghit ng tawa ang mga kaibigan niya.

“Baka naman gusto niyang gawing hip-hopper 'yong mga manok?” biro ni Perseus.

“O baka barbie?” Si Zeev na nakataas pa ang kilay kaya lalo silang natawa.

Napailing si Herschel sa kalokohan ng mga kaibigan niya. Bago pa niya marinig ang malutong na mura ni Lucian sa dalawa ay isa-isa na niyang ni-remove ang mga kaibigan niya sa group call hanggang sa siya at si Arawn na lang ang naiwan.

Dumako ang tingin niya kay Arawn dahil kanina pa ito walang imik. He saw that he was busy organizing papers and it was obvious that he was in his office library.

“I received your text, may nakalimutan ka ba'ng sabihin sa akin?” seryoso niyang tanong.

Nag-angat ng ulo si Arawn. “I forgot to tell you about your father.”

Saglit siyang natigilan. “Why? Did something happen?”

“You know that your dad is Don Armagon's equity partner, and I'm just guiding my wife in taking care of the business that her grandfather entrusted to her.”

Alam ni Herschel na ipinamana ni Don Armagon sa apo nito ang kaniyang mga ari-arian. Serenity became his heiress, and she became Arawn's wife.

“But it's surprising that your dad's mistress is the one taking care of his business. Siya rin ang nakipagkita sa amin sa meeting kanina, instead of Mr. Tolome Orson,” dagdag ni Arawn na nagpasalubong sa kilay ni Herschel.

“You need to do something, Hers. I think something is going on with your father that's why he's not seeing you anymore. I know he's busy with his business, but he doesn't show up even in our online visual meeting. Si Navarette na ang humaharap sa amin.”

Napahilot siya sa kaniyang sentido.

Navarette, iyon ang pangalan ng kerida ng kaniyang ama at hindi niya 'yon nakalilimutan. Hindi na siya nagtaka pa, ni hindi nga rin nagpakita ang kaniyang ama noong namatay ang ina at kapatid niya.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon