32

1.2K 177 63
                                    

KYERRA

Mahigpit ang hawak ko sa manibela. Patungo na kami ngayon ni Arisha sa ospital kung saan isinugod si daddy. Mabuti ay naitakas ko ang kapatid ko kaya tiyak na hahanapin siya once na malaman nina Tita Samber na wala siya sa kwarto niya.

Tinawagan ko na rin sina mommy upang ipaalam ang nangyari, ngayon ay papunta na rin sila ni Tito Manuel dito sa Maynila.

“They are afraid of losing everything they have,” basag ni Arisha sa katahimikan.

“Dahil sa ginawa nila noon, tinakot ni dad si mommy na maghihiwalay sila. Plano rin dapat namin na lumuwas ng Batangas para doon muna mag-stay sa inyo habang nagpapalamig ng ulo si dad. Nagtatalo sila habang pababa sa hagdan. Mom was trying to stop dad from leaving, which is why she unintentionally pushed him until dad fell down the stairs.”

Tahimik lang akong nakikinig. Puno rin ng galit ang aking dibdib.

“Sigurado ka ba na wala silang nabanggit na dinala si dad sa ospital?” pagtatanong niya pa kaya umiling ako.

“Ilang beses ko na kayong tinawagan ni dad, pero pareho na naka-off ang phone ninyo. Nagsinungaling din sa akin 'yong kasambahay ninyo kanina. Sinabi na pumasok ka pero nang pumunta ako sa school mo ay ilang araw ka na raw hindi pumapasok. The receptionist also lied to me, so Tita Samber must be hiding the truth from me,” I replied in a cold tone.

“Maybe they are afraid kaya ayaw nilang ipaalam sa inyo ang totoong nangyari,” nakayuko niyang sagot.

“Mukhang may bisita rin kayo kaning umaga. May lumabas din na sasakyan kanina sa gate,” nakataas-kilay kong saad.

“Hindi ko alam kung sino 'yon, hindi rin naman kasi ako hinahayaan nina mommy na lumabas ng kwarto ko,” sagot niya na ikina-buntonghininga ko.

Tuluyan kaming nakarating sa ospital. Ang Alastair Hospital at alam ko na pagmamay-ari ito ng pamilya ni Conan. Ipinarada ko lang ang kotse ko sa parking lot bago kami bumaba ni Arisha.

“Wear this.” Inabot ko sa kaniya ang itim kong hoodie jacket. “We're going to get dad out of here no matter what. It's for his safety, okay?”

She nodded while putting on my jacket. Kahit makipagpatintero pa ako sa kamatayan, kukunin ko pa rin si dad at ilalayo ko silang dalawa ni Arisha mula sa kapahamakan.

Pagkalapit namin sa information desk ay kaagad namin tinanong kung saan ang ward room ni dad. Hinanap lang ito ng nars na naka-duty.

“Remi Alcantara, tama po ba?” she asked kaya tumango kami ni Arisha.

“I'm sorry, ma'am, pero kabilin-bilinan po ng pamilya ng pasyente sa amin na huwag ipagbigay alam sa kahit kanino kung saan ang ward room ni Mr. Alcantara,” paumanhin niya kaya nagkatinginan kami ni Arisha.

“Pero anak po kami ng pasyente,” I said pero umiling pa rin siya.

“Ang nakalagay lang po na anak na pwedeng bumisita sa pasyente ay si Viela,” aniya sa mahinahon na boses kaya lalo akong nakaramdam ng inis.

Talagang gagawin nila ang lahat para hindi ako makalapit sa sarili kong ama. Sa inis ko ay ikinuyom ko ang kamao ko. Arisha also started to persuade the nurse but she didn't want to tell us where our father's ward room was. Halos kulang na lang ay magmakaawa na ang kapatid ko.

Napahilamos ako sa aking mukha, ngunit nabuhayan ako ng loob nang may mahagip ang dalawa kong mga mata.

That's Conan!

He was wearing the blue shirt and pants that doctors like him often wear. He just topped it off with a white lab coat. May nakasabit pa na stethoscope sa leeg niya at kaniyang ID. Kasama niya rin sina Zeev, Thorn, Perseus, at Wyatt.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon