4

1.1K 393 38
                                    

Dedicated to: LovieNot
( Follow n'yo po siya. She is also a writer and has a poly story :'> )

KYERRA

I was about to speak when I saw my dad, pero nang makalapit siya sa gawi ko ay hindi siya nag-hesitate na bigyan ako ng malakas na sampal. Rinig iyon sa buong pasilyo ng ospital at nakikita ko sa mata ni dad ngayon ang matinding galit.

“Ano na naman ba ang ginawa mo?! Where's Arisha?!” galit niyang sigaw sa akin. Nasa likod niya sina Tita Samber at bakas sa kanila ang pag-aalala.

“Wala ka na talagang ibang ginawang tama! Puro na lang kamalasan ang dala mo sa amin! Nasaan ang apo ko?!” sigaw rin ni Roselle sa akin.

Hindi na ako nakasagot dahil lumabas na ang doktor sa silid kung saan naka-ward si Arisha.

“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?” he asked. Agad namang lumapit sina dad sa kanya. Galit pang binangga ni Roselle ang balikat ko, while Viela glared at me.

This is the reason why I don't want to get close to them. Kapag napahamak sila, ako ang sisisihin. I know that even if they act like they care about me, they still want me out of their lives. Tulad na lamang nitong si Viela. Mabait pero may tinatagong lihim na galit at inggit.

“I am her father, how is she? Masyado ba siyang nasaktan? Ayos lang ba siya?” Dad asked in a worried voice.

Won't he also ask me if I'm okay?

“You have nothing to worry about, she's fine. Marami lang siyang mga galos sa katawan, but we finished giving her first aid lalo na ang ulo niyang may sugat. We just noticed something about her, it looks like your daughter has drunk some alcohol. Mabuti na lamang ay agad siyang sinugod ng ate niya rito sa ospital,” sagot ng doktor.

“Tell me, Kyerra. Niyaya mo si Arisha na uminom ng alak, 'no?” agad na pag-aakusa ni Viela sa akin kaya nangunot ang aking noo.

“Why would I do that? Do you think we are close? Don't accuse me dahil wala ka naman sa pinangyarihan ng insidente. Siya nga itong panay ang lapit sa akin at nagpunta sa club house ko na hindi nagsasabi sa akin o nagpapaalam sa inyo,” tanggol ko sa aking sarili.

“And because you are a bad influence!Maybe you are influencing Arisha to do something that will ruin her life! Nagiging pasaway at pala-sagot na rin siya dahil sa 'yo!” asik ni Roselle kaya bahagya akong natawa.

Wala talaga silang ibang sisisihin at ididiin kundi ako lang.

“Enough. Let's just wait for Arisha to wake up so we can ask her what really happened. Let's just be thankful that she is safe and alive,” sabat ni dad bago niya ako seryosong tiningnan.

“Just stay here outside, we're not done talking yet.” May diin ang boses niya bago siya nagpasalamat sa doktor.

Pumasok na rin si dad sa loob ng ward na hindi man lang tinitingnan ang kabuuan ko. Umirap pa si Roselle bago sila sumunod sa loob. Didn't he notice that I was hurt too?

Tahimik kong pinagmasdan si dad. I watched as he kissed Arisha's forehead and hugged her like he was afraid of losing her. Agad akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib. I tried to stay calm and not get emotional.

“Miss?”

Nilingon ko ang babaeng nars na nasa gilid ko lang pala.

“Yes?”

“Let's treat your wounds. Your left arm doesn't look okay. Panay pa rin ang pagdurugo niyan at baka maubusan ka pa ng dugo,” she said and gave me a soft smile.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon