THIRD PERSON'S
“It's my fault,” umiiyak na paninisi ni Zinnia sa kaniyang sarili. Marahan naman na hinagod ni Anna ang kaniyang likod upang patahanin siya.
Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi niya kinuha ang nakita niyang flag kanina. Iniligtas din siya ng Ate Kyerra niya mula sa lalaking gusgusin, ngunit ngayon ay nawawala na ang ate niya.
She managed to ask for help. Kaagad naman na nagtungo si Father Herschel sa pinangyarihan ng insidente pero tanging ang gusgusin na lang na lalaki ang kanilang nakita at nadatnan. Wala na ang Ate Kyerra niya at hindi nila alam kung saan ito naroon.
Lubha na rin siyang natatakot sa pwedeng mangyari sa Ate Kyerra niya. She is afraid that she might be in danger and if that happen, she will have no one to blame but herself.
“Walang dapat sisihin dito, Zinnia. Kyerra only did what she had to do to save you,” mahinahon na sambit ni Herschel ngunit sa kaloob-looban niya ay halos patayin na siya sa sobrang pag-aalala para kay Kyerra.
She is missing! They tried to look for her around the campsite, but she was nowhere to be found. Tiyak na naligaw na ang dalaga, kaya naman nakapagdesisyon na Herschel na hanapin kaagad si Kyerra.
“Pero kung hindi ko po kinuha 'yong flag, hindi sana kami mapapahamak. Hindi rin sana siya mawawala ngayon,” humahagulhol niyang sambit.
Nagtanong na rin sila sa lalaki kanina, nabanggit nitong hinabol si Kyerra ng baboy ramo kaya siya tumakbo sa kung saan. Nagpasalamat din ang lahat dahil nahuli na rin ang salarin sa pamboboso sa camp restroom ng mga babae. Dinala na ito sa Baranggay upang ireklamo, ngunit hindi matatahimik si Herschel hangga't hindi niya nakikita si Kyerra.
“Ano'ng gagawin mo po, Father? Why did you pack some of your things?” nakakunot-noong tanong ni Anna sa kaniya. Pinapanood nito kung paano niya ilagay sa isang backpack ang mga mahahalagang gamit.
“Hindi pa dumarating 'yong local search at rescue teams. Kailangan kong kumilos dahil baka kung ano na ang nangyari kay Kyerra,” walang lingon-lingon niyang sagot.
Humingi na rin sila ng tulong sa tagapamahala ng campsite. Tutulong din sila sa paghahanap kay Kyerra, ngunit kailangan pa raw nilang hintayin na dumating ang rescue teams. Ang iba ay nag-volunteer na rin, pero mahalaga kay Herschel ang bawat segundo.
Kyerra was definitely in danger and he could feel it. Walang mangyayari kung maghihintay siya at walang gagawin.
“Sasama po ako sa inyo sa paghahanap,” ani Caleb pero kaagad na umiling si Herschel.
“No, stay here. You are the youth leader, kaya kailangan ka ng mga kasama natin dito sa campsite. At isa pa, pagabi na rin kaya delikado kung sasama ka pa sa akin.”
Binuhat na niya ang kaniyang waterproof backpack na naglalaman ng iba't-ibang survival kit bago siya lumabas ng tent. Nakasalubong naman niya ang tiyuhin niya.
“Saan ka pupunta?” pagtatanong nito.
“Mauuna na akong maghanap kay Kyerra,” diretso niyang sagot.
“Pero delikado kung mag-isa ka lang. Hintayin na muna natin dumating 'yong mga maghahanap sa kaniya. Parating na rin naman sina Mrs. Angeles at Vice Governor---”
“There's no time to waste, uncle. The clock is ticking so I need to find her quickly and bring her back here safely,” seryoso niyang tugon.
“Please tell the rescue teams that I'm leaving a mark so they know where I've been,” dagdag niya bago siya nagtungo sa tinuro ng lalaki kanina kung saan tumakbo ang dalaga.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...