KYERRA
Magtatanghali na nang makarating kami sa bayan ng Batangas. Inutusan na muna ni mommy ang driver niya na idaan muna kami sa palengke dahil may bibilhin lang daw siya saglit. Medyo maputik ang daan dahil umulan kaninang madaling araw at humupa lang ito kaninang umaga.
Tiningnan ko ang kabuuan ng bayan. Para lang din itong normal na palengke na nakikita ko sa Maynila. Maingay dahil marami ang nagtitinda at namimili. Pero infairness, presko ang hangin dito dahil may mga puno at mayaman sila sa kalikasan. Malayo pa sa syudad kaya bagay ang lugar na ito para makapag-relax.
I check my phone dahil ubos na ang load ko. Gusto kong maghanap ng tindahan para magpa-load habang hinihintay kong bumalik si mommy kasama ang isa niyang bodyguard.
“Manong, magpapa-load lang po muna ako saglit,” paalam ko sa driver.
“Ala eh, sinabihan po ako ni Ma'am Bellamy na huwag ko po raw kayo hayaan na bumaba sa sasakyan,” aniya kaya ako ay napabuntong hininga. Nasa tono rin niya ang pagiging isang Batangueño.
“Diyan lang naman po ako sa tindahan. Saglit lang po ako.” At bumaba na ako sa sasakyan kaya wala na siyang nagawa pa para pigilan ako.
May nakita akong malapit na tindahan kaya nagtungo ako agad doon. Nagugutom na rin ako dahil wala pa akong almusal.
“Paload po!” malakas kong sabi upang marinig ako ng tindera. Binuksan ko ang sling bag ko para kunin ang cellphone at wallet ko. Pagkakuha ko sa aking wallet ay nagulat na lamang ako na may mabilis na tumakbo malapit sa aking gawi at tinangay ang aking pitaka.
Malutong akong napamura habang nakatingin sa lalaking 'yon.
“Magnanakaw!” sigaw ko.
Hanggang dito ba naman sa Batangas ay nakasunod pa rin sa akin ang kamalasan?
“Ma'am Kyerra!” tawag sa akin ng driver ni mommy pero dahil likas sa akin ang pagiging matigas ang ulo ay hinabol ko pa rin ang magnanakaw na 'yon.
“Ibalik mo sa akin 'yan! Magnanakaw!” muli kong sigaw kaya nakukuha ko na ang atensyon ng mga taong nasa paligid.
Ang iba ay tinangka pa na harangan ang snatcher na 'yon, pero masyadong malakas ang lalaki at tinutulak lang niya ang mga humaharang sa kanya.
I gritted my teeth in annoyance. Lagot talaga siya sa akin kapag naabutan ko siya. Binilisan ko pa ang takbo ko. Malapit ko na rin siyang maabutan kaya agad kong inangat ang kanan kong kamay.
Dahil panay ang lingon niya sa akin ay hindi niya napansin ang isang matangkad na lalaking naka-itim na sumbrero hanggang sa nagkabanggaan silang dalawa.
Nawalan ng balanse ang snatcher kaya siya napahiga sa sahig. Habang ang lalaking nakabangga niya ay tila hindi man lang nasaktan. Ang focus ko ay sa magnanakaw na 'yon dahil mahigpit pa rin niyang hawak ang wallet ko.
Bago pa siya makatayo at makatakbo ulit ay mabilis ko nang nahatak ang kwelyo niya.
“At saan ka pupunta? Ibalik mo sa akin 'yang wallet ko!” buong tapang kong sabi.
Ngunit wala yata siyang balak ibalik sa akin ang wallet ko dahil inalis niya ang kamay ko sa kanyang kwelyo bago siya naglabas ng balisong at tinutok ito sa harapan ko.
“Huwag kang lalapit kundi masasaktan ka sa akin!” banta niya.
“Oh, do you think you can scare me?” nakangisi kong tanong.
Nanlilisik ang mga mata niya sa akin bago niya ako atakihin. Agad akong nakaiwas sa pagtangka niyang pagsaksak sa akin.
Alerto rin ako sa kilos niya bago ko siya mabilis na sinipa sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Namilipit naman siya sa sakit dahil sa lakas ng ginawa kong pagsipa. Nabitiwan din niya ang wallet ko hanggang sa napaupo siya. Kinuha ko sa kaniya ang balisong bago ko siya asar na pinitik sa tenga.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...