1

3.5K 434 57
                                    

KYERRA

Ala-una na ng madaling araw kaya payapa kong binabagtas ang tahimik na kalsada. Kagagaling ko lang sa birthday party ni Tintin, isa sa trabahador ko sa aking club house kaya pauwi na ako ngayon sa bahay.

Tanging ang naririnig ko lang ngayon ay ang musika galing sa naka-on na radyo. Hindi ko rin mapigilan na sumabay sa kanta ni Rosé at Bruno Mars na APT.

Saktong nag-red ang traffic light kaya dahan-dahan kong hininto ang kotse, ngunit nabulabog ako dahil sa nililikhang ingay galing sa mga parating na sasakyan.

Tanaw ko sila gamit ang side mirror ko. Mukhang nagkakaroon na naman ng street racing kahit na bawal o ilegal ito. Palibhasa ay walang masyadong mga sasakyan na dumadaan sa kalsada na ito kapag ganitong oras kaya malaya silang makipagkarera.

Ang ilan sa tambutso ng mga street racing car ay walang muffler kaya talagang malakas ang binibigay nitong ingay sa paligid ko. Idagdag pa ang mga tires dahil mabilis ang pagpihit ng mga driver sa sasakyan nila.

At tama nga ang hinala ko, mayroong nagaganap na karera at sobrang bilis ng pagpapatakbo nila sa kanilang sasakyan. Ang iba ay mabilis na dinaanan lang ang kotse ko at tila wala silang pakialam sa traffic lights.

They are not even worried that they might be caught by the roving patrols. Sabagay, I have also experienced street racing once. Naging matigas din ang ulo ko. I'm always involved in trouble, so this is also the reason why I was called the black sheep in our family.

Napansin ko ang isang sasakyan na huminto sa gilid ng aking sasakyan. Bumaba ang bintana sa passenger's seat kaya nakita ko ang mga nakasakay roon. Isang lalaki at isang babae na nagyo-yosi.

Hindi ko na sana sila papansinin pa ngunit naagaw ng atensyon ko ang taong nakasakay sa back seat. There was a girl who tried to get off the car but the two men next to her were holding her.

Mukhang underage pa ang babaeng iyon base na rin sa itsura niya. Tuwang-tuwa pa ang mga lalaki, habang ang babaeng iyon ay halatang nagmamakaawa.

I didn't want to cause trouble again so I forced my eyes to focus on the road. Pero sadya nga yatang malakas ang aking pandinig dahil kahit naka-on ang music ay naririnig ko pa rin ang sigaw ng babaeng iyon; sigaw na humihingi ng tulong.

“Don't get yourself into trouble again, Kyerra,” I softly reminded myself as my fingers tapped softly on the steering wheel. But my ears still heard that girl, and this time I also heard her loud cry with fear.

I have also experienced asking for help once but no one tried or dared to listen to me and help me. Dahil ang dalawang taong minsan nang tumulong sa akin at lagi kong nalalapitan ay wala na. Gone and they are never coming back.

Huminga ako nang malalim bago ko kunin ang aking cellphone upang kuhanan ng litrato ang nangyayari sa kabilang kotse. At least meron akong hawak na ebidensya bago ko binaba ang bintana at bumusina, dahilan para makuha ko ang kanilang atensyon.

“Need help?” I asked that girl.

That girl did not hesitate to nod her head. I could see the hope in her scared eyes, hoping that I could help her get away from those men.

“It seems that she doesn't want to go with you, why don't you let her get out of the car and let her go home in peace?” seryoso kong tanong sa dalawang lalaki.

A man with a tattoo on his neck smirked at me. “Kung ako sa ‘yo ay hindi na ako makikialam. Umuwi ka na lang sa inyo, bata. Baka madamay ka pa,” maangas niyang sagot kaya natawa ang babaeng nakasakay sa passenger's seat.

“Tulungan mo po ako! Hindi ko po sila kilala! Bigla na lang nila akong pinasakay rito habang naghihintay ako ng masasakyan pauwi dahil galing po ako sa part-time job ko!” iyak na paliwanag ng babaeng 'yon.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon