KYERRA
Ang puso't isipan ko ay mas lalong gumulo nang dahil kay Father Herschel. Pasalamat na lang ako ay nagawa ko pa makapag-busking kagabi. Halos gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa nangyari din kahapon sa kumbento. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader, at ngayon ay hindi ko alam kung kaya ko ba'ng humarap kay Father.
Sumapit na rin ang Linggo.
As usual, may iniwan na naman siyang sulat sa tapat ng pintuan ko. Halos umaga't gabi na lang akong nakatatanggap ng mga motivational letter na may halong bible verse galing kay Father, at lahat 'yon ay tinatago at iniipon ko sa aking diary.
“Gising ka na pala, ate,” bungad ni Zinnia sa akin nang makababa ako. Narito rin si Anna at pareho silang kumakain ng almusal sa sala.
“Sasama ka po ba sa amin, ate?” naitanong ni Anna na nagpakunot sa noo ko.
“Saan?”
“Sa simbahan ng San Agustin, manonood po kami ng kasal!” aniya sa excited na boses.
Oo nga pala, may kasal nga pala na magaganap ngayon. Sa pagkakatanda ko, malapit na kaibigan ni Father ang ikakasal ngayong araw sa San Agustin.
“Sumama ka sa amin, ah? Wala ka naman po sigurong gagawin, 'di ba?” alok din sa akin ni Zinnia.
Tumango na lang ako dahil tiyak na kukulitin lang nila akong dalawa ni Anna na sumama sa kanila.
“Sama rin po ako!” pagsali ni Yves.
At nagsimula na naman silang magtalo ng Ate Zinnia niya dahil baka mangulit lang si Yves sa loob ng simbahan kapag sumama pa siya. Napailing na lamang ako at nagtungo na sa kusina para maghanda ng makakain ko.
✘
“Ang daming nagkalat na mga bodyguard,” mahinang komento ni Anna habang nakatingin sa mga men in black.
Isa-isa kong tiningnan ang mga lalaking naka-black suit at lahat sila ay nagkalat sa paligid ng simbahan. Siguro ay sobrang yaman ng ikakasal kaya ganito na lang karami ang mga bodyguard nila.
Ang wedding coordinator naman ay abala sa pag-asikaso sa mga bisita upang maging maayos ang araw ng kasal. Tahimik lang din kaming nanonood sa gilid, habang ang ilan sa mga bisita ay narito na't mga nakaupo.
Ilang saglit pa ay nagsimula na rin ang seremonya dahil dumating na ang groom. Siya 'yong lalaking may tattoo. Sa pagkakaalala ko ay Palermo ang kaniyang pangalan. Infairness, gwapo at matipuno. Narito rin sina Conan na mga groomsmen, ngunit hindi na ako nagpakita sa kanila dahil hindi rin naman mahalaga na nandito ako.
Matapos maglakad ni Palermo papunta sa altar ay saka tumugtog ang bridal march dahil sunod na maglalakad ang bride. I couldn't stop being amazed while looking at her. She looks gorgeous in her wedding gown. Kahit sina Anna at Zinnia ay namangha rin habang nakatanaw sa bride.
Tahimik ko siyang tinitigan. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kirot sa dibdib nang sumagi sa aking isipan si Damian.
If he was still alive, would we be like this? My dream is to marry him, to walk down the aisle and wear a wedding gown. Naalala ko na naman noong araw na nag-practice pa kaming dalawa sa simbahan habang naglalakad ako papuntang altar. Tanda ko pa ang kaniyang mukha habang matamis siyang nakangiti sa akin.
But that dream of mine has vanished.
Damian is my everything; we have planned to build a life together as a married couple. And my heart aches deeply because Damian was the one I wanted to spend forever with as my husband. But losing him shattered me. We have a dream of a future together, but he is gone.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...