33

1K 152 61
                                    

KYERRA

“Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala sa daddy mo. Pero sigurado ka ba na magpapa-iwan ka rito?” Mom asked so I nodded in response.

“I still need to check my Vista Club, kaya kung pwede na kayo po muna ang bahala kay dad at Arisha,” malumanay kong pakiusap.

“Wala naman problema sa amin ng Tito Manuel mo kung sa amin na muna sila mag-stay, pero paano kung sugurin ka nina Viela? Tiyak na alam na nilang ikaw ang nagtakas sa daddy mo at kay Arisha,” nag-aalala niyang sabi.

“Huwag po kayong mag-alala, kaya ko po protektahan ang sarili ko. Hindi naman ako tatakbo kung sakali na sugurin nila ako,” buong tapang kong sagot. Nginitian ko pa siya upang ipakita na hindi ako nababahala kung sakali man na sugurin ako nina Viela.

“Talagang nagmana ka sa mommy mo. Pareho kayong palaban,” komento ni Tito Manuel kaya pareho kaming natawa ni mommy.

Mabuti na lang ay dumating sila kaagad kaya sila na ang bahala na magdala kina daddy at Arisha sa Batangas. Para na rin mabilis maka-recover si dad at mailayo si Arisha mula sa pananakit ni Viela sa kaniya.

“Don't be shy to tell us if you need anything, okay?” ani ni Tito Manuel.

“Opo, tito.” At matamis ko siyang nginitian. Tumingin ako sa ambulansya kung saan nakasakay si dad. Sa tulong ni Conan kaya hindi mahihirapan si daddy sa biyahe. Pinahiram niya kasi muna ang ambulansya ng Alastair Hospital.

“Magpagaling po kayo,” malumanay kong wika nang lapitan ko si dad.

“Hindi ka ba sasama sa amin sa Batangas?” Dad asked.

Marahan akong umiling sa kaniya. “I just have something to take care of, dad. Susunod din naman po ako sa inyo sa Batangas.”

He sighed. “Mag-ingat ka, hija. Kapag naka-recover na ako ay aayusin ko itong gusot na nangyayari sa ating pamilya.”

“Just focus on healing for now. Babawi pa po kayo sa akin, 'di ba?” nakangiti kong tugon.

Pansin ko ang pagiging emosyonal niya dahil nangingilid na ang luha niya. Si Arisha naman na nakaupo sa tabi ni daddy habang hawak ang kamay nito ay hindi na napigilan ang mapaiyak.

Dad caressed my cheek tenderly. “Oo naman, hija. Babawi pa ako. Kailangan kong bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa 'yo,” halos mapiyok-piyok niyang sagot.

I smiled and just held his hand to kiss it briefly, while my mom, who was watching us from the side, was also in tears. Nakikita ko rin ang kasiyahan sa mata ni Tito Manuel.

Isa lang naman ang kagustuhan ko ngayon, 'yon ay maging maayos na ang lahat. Pagod na akong namroblema at umiyak, kaya oras na rin para mag-move forward.

Alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat, but we were all deceived by the manipulation and lies of Tita Samber, Roselle, and Viela because their only true desire and goal was to tear us apart.

“Ate Kyerra...”

Ang atensyon ko ay napunta kay Arisha. May kinuha siyang papel at ballpen sa bag niya. May sinulat siya saglit doon bago niya ito ibinigay sa akin kaya nagtataka ko siyang tiningnan.

“You need to go to that place,” aniya kaya lalo akong nagtaka.

“Why? Ano ba'ng meron sa lugar na 'to?” I asked. Nang tingnan ko ang papel na sinulatan niya ay isa 'yong address.

“Malalaman mo ang sagot kapag nagpunta ka riyan. Just make sure no one sees you, especially Ate Viela,” seryoso at may makahulugan niyang sagot.

Hindi na ako ulit nagtanong pa kahit naguguluhan ako. Kailangan na rin nilang umalis kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Mom just kissed my head before they got in their car and left.

IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon