KYERRA
I can't get Father Herschel out of my mind, kaya napuyat ako at madaling araw na akong dinalaw ng antok dahil kahit ano'ng gawin ko ay siya pa rin ang laman ng isipan ko. Kahit na puyat ako ay maaga pa rin akong gumising, ngunit kaagad akong binalot ng pagtataka nang mapansin ko ang buo kong kwarto.
Bakit maraming bawang at sibuyas na nakasabit sa bawat paligid ng kama ko? Ang noo ko ay nangunot nang mapansin ko rin ang dingding na may nakadikit na mga papel kung saan may nakaukit na cross gamit ang krayola.
What the heck happened in my room?
Kahit naguguluhan ako ay bumangon pa rin ako at nagtungo sa banyo upang gawin ang morning routine ko. Tatanungin ko na lang siguro ang mga kasambahay dahil baka may nakapasok sa silid ko habang tulog ako.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin akong mag-ayos ng sarili kaya lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa ibaba. Sakto na naabutan ko si Manang Olivia sa sala.
"Good morning po, ma'am," nakangiti niyang bati.
"May pumasok po ba sa kwarto ko?" kaagad kong tanong na hindi siya binabati pabalik.
"Bakit po? Pinasok po ba kayo ng magnanakaw?" taka niyang tanong pero umiling ako. Wala naman sigurong pumasok na magnanakaw dahil nakasara ang mga bintana sa kwarto ko.
"May mga nakasabit po na bawang at sibuyas sa kwarto ko. May mga nakadikit din po na mga papel na may drawing ng cross sa pader," pagkukwento ko.
"Ala eh, alam ko na po kung sino ang may gawa niyan, ma'am!" sulpot bigla ng yaya ni Yves. Sa pagkakatanda ko ay Carmen ang kaniyang pangalan.
"Who?" nakataas-kilay kong tanong.
"Si Yves," aniya na parang sigurado siya.
"Nakita ko po siya kanina na kumuha ng mga bawang at sibuyas sa kusina bago siya pumasok sa school. Tiyak na ginaya lang niya ang napanood niya sa YouTube na kung ano ang pwedeng gawin kapag may aswang. Siguro ay natakot po sa inyo ang bata at inakala na alien kayo," paliwanag pa niya kaya napa-poker face na lamang ako.
"Huwag po kayong mag-alala, ma'am. Uutusan ko na lang ang isa naming kasama para linisin ang kwarto ninyo," nahihiya na turan ni Manang Olivia kaya tumango na lang ako bilang sagot. Marahil ay sanay na sila sa kakulitan ni Yves.
"Gising ka na pala."
Nilingon ko ang nagsalita, si mommy na pababa sa hagdan. Lumapit siya sa gawi ko at nakangiting humalik sa aking pisngi.
"Mag-almusal ka na muna dahil sasamahan mo ako ngayon," kaniyang sabi na nagpasalubong sa kilay ko.
"Where are we going?" I asked.
"Sa San Agustin. Meron din kaming charity at kasama namin si Father Herschel dahil siya ang nangunguna sa pamamahala ng programa na kaniyang pinatayo. Layunin niya ang makatulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga batang maagang naulila," sagot niya.
"At ano naman ang gagawin ko roon?" muli kong tanong.
Wala naman akong maitutulong doon. Baka ma-bored pa ako. Plano ko rin na maghanap ng trabaho habang narito ako sa Batangas. Ayoko naman na mag-stay lang dito sa bahay at walang ginagawa.
"Because Father Herschel wants you to be part of his charity. Nabanggit niya sa amin ng Tito Manuel mo kagabi na gusto ka rin niyang imbitahan sa simbahan ng San Agustin at makinig sa kaniyang Banal na Misa. Gusto niya na tumulong ka sa ating komunidad."
Napaisip ako sa sinabi ni mommy. Talagang gusto ng pari na 'yon na pumunta ako sa San Agustin?
"Sige na, kumain ka na. Ipatatawag na lang kita kapag aalis na tayo," aniya kaya wala na akong nagawa kundi pumayag na lang sa kaniyang kagustuhan.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 10: THE SINFUL LOVE
General FictionONGOING ✔ IDLE DESIRE 10: HERSCHEL AIVAN ORSON Kyerra Francine Alcantara, the black sheep in her family. A beautiful woman --- who is a troublemaker and brings disgrace to her family. She knows in herself that she is a sinner and she has already com...