CHAPTER 7 - when his demon awakes

209K 4.6K 562
                                    

CHAPTER 7 – when his demon awakes


Nagising ako sa mabangong amoy ng bacon. Bacon? Teka, sinong nag luluto ng bacon? Napabalikwas ako ng tayo. Dumiretso ako sa CR at nag ayos ng sarili. Andito na si Seal!

Lumabaas na ako ng kwarto ko at nagulat sa nakita ko.

"Paano kayo nakapasok?" gulat na tanong ko sa kanila na kasalukuyang kumakain ng agahan sa loob ng unit ko!

"I let them in. I saw them standing outside your door waiting for you." Napatingin ako sa nagsalita, galing sya sa kitchen at naka apron pa.

"waaah! Seal! I missed you! When did you came?" sigaw ko sa kanya sabay talon pakaliwa para maiwasan yung binato nya saking kitchen knife. Loko talaga to. May bisita kaya kami.

"whoa! Intense! Ganyan ba kayo mag batian ng goodmorning?" yan na nga ba sinasabi ko. Napatigil kami ni Seal at naptingin sa kanila sabay peace sign. Hehehe.

"hehehe. We just missed each other." Nakangiting sabi ni Seal.

"Nga pala, bat nandito kayo? Ang aga aga." Sabi ko sa kanila habang paupo sa dining table kasama nila.

"wala lang makikikain." Sabi ni Kurt. Sabay subo ng fried rice at bacon.

"Tsk. Next time bring your own food. Hindi kayo kasama sa budget ko. " Sabi ko sa kanila sabay kain sa pagkain na hinain sakin ni Seal. Naupo na din sya sa tabi ko.

"Nga pala Yomi, regarding dun sa sulat na nakuha mo sa dagger kahapon –" di na natapos ni Ryuu yung sasabihin nya ng biglang sumingit si Seal.

"Anong sulat?" putol ni Seal habang nakatingin sakin.

"Tsk. Don't mind that Ryuu. That doesn't concern you." Inis na sabi ko sabay tayo. Dumiretso ako sa kwarto ko. Papasok na sana ako sa CR ng may biglang magsalita.

"who sent the letter?" hinarap ko sya at tinitigan sa mata.

"He's back Seal. He found me." Seryosong sabi ko.

"Tsk. Be more careful. Alam na ba to nila Kyohei sempai?"

"Hindi ko pa nasasabi. Mamaya kakausapin ko sila kuya kisu." Nakayukong sabi ko.

"Okay. Bumalik ka na dun at tapusin mo yung pag kain mo. Nag aalala sila sayo." Napatingin ako bigla sa kanya. Palabas na sya ng kwarto ko. Bakit sila mag aalala sakin?

Bumalik na ako sa kanila at tinapos na ang pag kain ko. Ramdam kong maya maya sila tumitingin sakin. nag aalala ba talaga sila? Kahapon ko lang sila nakilala pero may pakialam na agad sila sakin? haay.

"I'm okay guys, don't worry. Bihis lang ako. Sabay na tayo pumasok." Sabi ko sa kanila tapos tumayo na ako't nag ayos na para sa pag pasok.

Nang makabihis na ako, bumaba na kami sa parking. Kasama namin si Seal, dadalaw daw sya sa papa nya kaya yung kotse ko yung gamit ko para maisabay sya.

"Seal, your brother knows what we are." Sabi ko sa kanya.

"I know." Maiksing sagot nya.

"And also, there is someone aside from Ryuu who knew who I am." Napatingin sya sakin. tinignan ko lang sya saglit at ibinalik na rin agad sa kalsada ang tingin ko. Mahirap na baka mabunggo kami. Ako kasi nag mamaneho.

"Who?"

"Gio Mendez. I don't know who he is really but one thing for sure, he's stronger than me." Sagot ko kay Seal. Hindi na sya kumibo hangang makarating kami sa school.

Paglabas ko ng sasakyan nandoon na sila Ryuu, nag aabang sa may parking napapalibutan ng mga babaeng grabe kung makatili. Pag lapit ko sa kanila biglang tumahimik tapos maya maya nag bulungan na naman. Bwisit. Panira ng araw.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon