CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!

223K 4.6K 547
                                    

CHAPTER 5 – I am NOT a GANGSTER!!



LANCE's


Kanina pa ako napapaisip sa babaeng to. Para kasing may iba sa kanya. Una, hindi sya natakot man lang nung napadaan sya noon sa dulo ng eskinita habang nakikipag laban kami. Kung ibang babae yun malamang nag tatakbo na yun or nag sisisigaw na. Pero sya, grabe lang hindi man lang ata nakaramdam ng takot, parang nainis pa nga sya nung tumigil kami at tinitigan sya. Hindi nya kami masisisi, that's very rare kasi.

Pangalawa, ang bilis nya kumilos at ang lakas nya. Napatumba nya si Martin ng ganun kabilis! Tapos, nasalo nya yung bola na binato ni Martin sa kanya kahit hindi sya nakatingin nung ibinato yun sa kanya at parang nataranta bigla si Ryuu ng titigan ng babaeng yun si Martin.

Pangatlo, hindi ako naniniwala na sinuwerte lang sya kanina na naiwasan nya yung binato ni Aubrey sa kanya. Kita ko sa mga mata nya na parang inaasahan nya yun. Masyadong malakas ang pakiramdam nya para sa isang normal na tao. Tapos, parang may kakaiba sa sinabi nya kaninang weird si Gio, dahil lang sa hindi nya naramdam ang presence nung tao.

Nag hihinala na talaga ako sa babaeng to eh. Gusto ko syang tanungin pero baka mali ako, hahanap muna ako ng iba pang proofs.

"San na tayo? Wala na tayong klase eh." biglang tanong ni Kurt.

"Yomi may gagawin ka ba? Gusto mo bang sumama samin? Ililibot ka namin dito. Diba kararating mo lang dito sa Pilipinas?" tanong naman ni Ryuu kay ... ano nga ulit pangalan nito? Kiyomiko? Kiyo? Ah mas bagay sa kanya ang Miko. Hahaha.

"Eh? Ayos lang ba sa kanila? Tsaka saan naman tayo pupunta?" tanong ni Miko habang tinitignan kami isa isa.

Nakita kong pasagot nasana si Ryuu ng biglang tumunog yung relo nya. Relo? Parang cellphone. Nagulat ako ng may biglang lumabas na parang hologram dun sa relo nya ng pindutin nya. Wow!

"Kiyo, doko desu ka?" tanong nung nasa hologram sa relo niya. boses lalaki eh. Japanese ata.

"I'm in a public place right now Se—Jun. I'm with your brother and his friends. I'll contact you later when I got home." Sagot ni Miko. Jun? diba yun yung kapatid ni Ryuu?

"Sou desu, tell Ryuu to take care of you or he's dead. And always clean your wounds okay? Stay away from trouble. I'll visit you tomorrow. Ja ne'" sabi ulit nung kuya ni Ryuu. Grabe mag bilin ah. Ano kaya relasyon nila nito ni Miko? Teka, pakialam ko ba? Psh.

"Baka! I can handle myself. What's with you guys? Always babysitting me? Psh. Sige na may gagawin pa kami." Inis na sagot ni Miko. Tapos pinindot na nya yung relo nya.

" Hear that Yomi? Stay away from trouble! Hahaha. Let's go?" natatawang sabi ni Ryuu. Anong nakakatawa dun? Trouble maker ba tong babaeng to?

"Urusai! I heard that loud and clear! No need to repeat." Inis pa din si Miko. Tumayo na sya kaya tumayo na din kami. Saan naman kaya kami pupunta?

"Kiyo! Yan na ba yung SIMAN?" tanong ni Kei kay Miko habang nakaturo sa relo nya.

"Yep. Hindi pa siya out sa market kaya I believe kami palang meron nito." Nakangiting sagot ni Miko. So, SIMAN pala ang tawag dun.

"Ano yan parang cellphone lang na nasa relo?" tanong naman ni Kurt habang papalabas na kami ng canteen.

"Yup, pero may iba pa siyang function like, pwede kang mag store ng data, pwede rin syang tracker and most of all pwede kang mag store ng weapons dito. Parang yung sa ultraviolet na movie? Here I'll show you." Sabi nya sabay takbo sa labas ng canteen. Sumunod naman kami sa kanya. Weapons huh? pano naman kaya yun?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon