CHAPTER 4 – Red Night
RYUU's
Bago matapos ang klase, sinabihan ko na agad si Yomi na mauuna na kami sa kanya at sumunod nalang sya sa cafeteria. Kailangan ko pa kasing kausapin tong mga kasama ko. Alam kong maraming itatanong tong mga to eh.
Pagtapos ng klase agad kaming lumabas at agad din nila akong binato ng napakadaming tanong.
"Bakit kasama mo yung babaeng yun? Mag kaholding hands pa kayo." Tanong ni Martin.
"Bakit parang super close kayo?" tanong naman ni Kurt.
"Tsaka bakit parang kay Martin ka pa nagalit kanina ng binato nya ng bola yung babaeng yun? Baka nakalimutan mo yung ginawa nya kay Martin sa 7/11 noon." Tanong naman ni Lance.
Haay. Maya ko na sasagutin to patatapusin ko muna sila sa pag tatanong.
"Kamag-anak ba natin sya? Bakit Oji~san tawag nya kay dad?" tanong din ni Kei.
"I don't have question, just answer their questions and that will be fine with me." Sabi ni Raven ng mapatingin ako sa kanya. Sya nalang kasi di nag tatanong eh.
"Okay, Kei, hindi natin sya kamag anak. Pero kababata siya ni Jun. naalala mo yung babaeng madalas kasama ni Jun sa pictures? Siya yun. Si Kiyomiko Takeno. Close sila ni dad kaya Oji~san tawag nya. Si dad kasi ang tumatayong pangalawang papa nya. So, since parang papa na niya si dad, habang nandito sya sa Pilipinas, Kei, tayo ang tatayong pamilya nya. Though sa pag kakaalam ko eh nandito din ang mga kuya niya pero kay dad kasi siya binilan ng papa nya. From now on lagi ko na siyang kasama. Regarding naman dun kay Martin, well, oo sayo talaga ako magagalit. Bakit? Kasi kabastusan nga naman yung ginawa mo. Tama bang batuhin sya ng bola habang di nakatingin? Pasalamat ka nasalo nya dahil kung hindi sa akin ka mananagot. Tsaka yung tungkol dun sa 7/11, guys, kasalanan natin yun. Nananahimik sya dun bigla natin siyang pinaligiran tapos yung paghawak ni Kurt sa balikat nya, that caused her wound to bled. Napansin ko yun nung hinawakan nya yung balikat nya. Kaya niya pinatulog si Martin kasi nakaharang ka sa daanan niya. Alam niyo bang gamot ang laman ng plastic na pinamili nya?" mahabang paliwanag ko. Sila naman, nakatunganga lang.
"Naintindihan niyo ba?" tanong ko.
"Ah, Ryuu, kung lagi mo syang kasama eh pano yan pag may laban tayo?" tanong naman ni Kurt.
"Well, hahaha, she will never be a burden, trust me." Haha, kung alam nyo lang guys mas malakas pa sya sating anim.
"Kung ganoon naman pala, eh pakilala mo nalang sya ng maayos samin para naman makapag sorry narin ako sa ginawa ko. Na guilty naman kasi ako ng malaman kong napadugo ko pala yung sugat nya." sabi naman ni Kurt.
"Oo, papakilala ko kayo ng maayos sa kanya. Tara na sa cafeteria." Sabi ko nalang.
Nang makarating na kami sa cafeteria, biglang umingay na naman. Nag titilian na naman ang mga babaeng to. Nakakarindi na. Habang papunta kami sa table na madalas naming inuupuan, may biglang humarang samin. Tatlong lalaki. Kilala ko sila, sila yung mga kuya ni Yomi.
"Ryuu, nasaan si Kiyo?" tanong sakin ni Kisune, siya lang ang kilala ko sa kanila ng personal.
"Nasa room pa, pasunod na dito. Bakit?" tanong ko.
"Wala naman, kamusta siya?"tanong nung isa na Light ata ang pangalan.
"Ayos naman. She's really making her own first day impression. Hahaha." Natatawang sagot ko.
"Wag niyo siyang gagalitin, mahirap kontrolin yan pag galit o kaya sabihan mo nalang kami pag di mo na sya kayang I handle ah. Papupuntahin ko kaagad kuya mo dito. Yun lang kayang pumigil don eh." natatawang sabi sakin ni Kisune.
BINABASA MO ANG
WMAMTG (Unedited)
ActionWHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who pledged loyalty to the Takehashi Clan. I am slowly gaining fame for my skills ... But because I almost fail from my last mission ... They ga...
