CHAPTER 29 - Midnight Madness

139K 2.4K 218
                                    

 a/n: ayun update ulit .. pag pasensyahan nyo na ..

may bagong character .. sino si Rina?

heheh .. lovelots

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 29 – Midnight Madness

 

 

Pagdating ko sa school, what the? Bakit ang daming tao?

“Oh so the slut is back?” narinig kong sabi ng isang babaeng kahit di ko tignan eh alam na alam ko kung sino. Di ko sya nilingon at dumiretso na ako sa pag lalakad.

“Don’t you dare turn your back on me slut.” Sigaw nya sakin sabay hatak sa kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Ang tanga neto, don’t turn your back pang nalalaman eh kanina pa naman ako nakatalikod sa kanya.

“Ano na naman ba kailangan mo Aubrey?” naiinis na sagot ko sa kanya.

“It seems you’re gone for too long hindi mo alam kung anong meron ngayon” sabi nya na ikina kunot ng aking noo.

“Eh ano naman? Problema mo ba?”

“What about a welcome party?” sagot nya ng nakangiti. Baliw ba to? Welcome party pang nalalaman. May lumapit sa kanyang dalawang babae na may hawak na baseball bat. So? Bubugbugin nila ako? Hahahaha.

“Sorting to violence eh?” nakangising tanong ko kay Aubrey. Hindi sya sumagot pero naglakad sya papalapit sa akin. Tinignan ko lang sya habang nakangisi.

Hinitay ko syang makalapit sa akin pero laking gulat ko ng lampasan nya ako.

*BOGSH*

Napalingon ako bigla sa likod ko at walangjo!! Yung kotse ko na binigay ng pinakamamahal kong kuya ay hinampas ng walang hiyang Aubrey the bitch ng bat na hawak nya.

“What the hell?!” Sigaw ko sa kanya sabay hablot ng baseball bat at ibinato iyon sa malayo. Hinarap ko sya at tinignan ng masama.

“Oh? I thought you would like our welcome gift to you.” Sabi pa nya sabay tawa. Oh Shit lang talaga. Sana lang hindi ko mapatay tong babaeng to.

Hinawakan ko yung kwelyo ng damit nya at marahas na inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon