a/n: guys eto na po ang update. Pag pasensyahan nyo na kung masyadong matagal bago ako makapag update. Let's all get in the mood, check the vids guys!
SPG po ang chapter na ito dahil it contain scenes with too much VIOLENCE.
ibinagay ko lang yung scene sa character ni Kiyo as an assassin. sana maappreciate nyo po ..
kung may violent reactions please feel free to broadcast.
~ScarsAreBlind~
==========================================================
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
GIO's
"Rina ..." Tawag ko sa pangalan nya.
"G-Gio?" halatang gulat sya na makita ako. Hindi ba nya inaasahan na aabutan pa nya ako dito? Sabagay, bakit ko nga naman dadalawin si Ryuu? Kung hindi lang dahil kay Kiyomi hinding hindi na ako mag papakita sa lalaking iyon matapos ng ginawa ko sa kanya.
"It's been a long time, kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya. Honestly speaking, I missed her. It's been a year I guess, simula nung mag hiwalay kami.
"Never been better." Sagot nya sakin. She's lying. Her eyes says the opposite.
"So, bumalik ka na pala sa kanya."
"Yeah." Sagot nya pero sadness can be seen in her eyes. Bakit Rina? What's your purpose in doing this? Torturing yourself?
"Why are you doing this Rina?" hindi ko na napigilan pang itanong sa kanya.
"Not your concern anymore Gio. Isa pa, hindi naman ako ang priority mo diba?" Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya. Alam kong nasaktan ko sya ng sobra. "Tama ako diba? Sige na. Kailangan ko ng puntahan si Ryuu." Pahabol pa nya bago tuluyang pumasok sa clinic.
Naiwan akong nakatayo sa labas ng clinic. Natawa nalang ako sa sarili ko. Ang lakas ng loob ko magbigay ng payo kay Take noong panahong naiipit sya sa pagitan ng responsibilidad at ng taong mahal nya. Napailing ako sa isiping iyon at tuluyan naring nilisan ang clinic. Didiretso nalang ako sa battle ground at aabangan ang mga mangyayari sa battle. Makakapunta pa kaya si Kiyomi?
Nang makarating ako sa battle ground, ganoon pa din ang itsura nya. Isang malawak na gubat sa loob ng glass dome. Medyo malayo ito sa mga building ng university, kailangan pang tahakin ang mapunong daan sa likod ng Director's office. Kung nag tataka kayo bakit may ganitong facility sa loob ng University eh wag na kayong magtaka dahil ang University na ito ay suportado ng mga kilalang Mafia Clans, Agencies at ng mismong Government. Ang Battle ay mistulang isang prestihiyosong laro na nilalahukan ng hindi lang mga malalakas na gangsters kung'di pati na rin ng mga Assassins, Mafia members, Slingers at pati na din mga Agents. Nagsisilbi itong training ground para sa kanila. 'Yon nga lang, may isang mahigpit na pinatutupad na rule sa Battle, yun ay ang 'bawal pumatay'. Once na nakapatay ka, automatic disqualify ka na at hindi ka na pwedeng sumali kahit na kailan.
Ilang sandali nalang mag sisimula na ang laro. Unti unti nang nagtitipon sa entrance ang mga kasali. Sa larong ito, isang oras bubuksan ang gate papasok, nasa sa iyo kung kalian ka papasok. Oras na makapasok ka na bawal nang lumabas unless injured ka na at di na kasali sa laro. Matatapos lang ang laro pag sampu nalang ang natitirang kalahok. Mula sa sampung iyon, kailangan nilang maglaban laban hanggang isa nalang ang matira sa kanila at iyon ang tatanghaling kampyon para sa taon na ito.
BINABASA MO ANG
WMAMTG (Unedited)
ActionWHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who pledged loyalty to the Takehashi Clan. I am slowly gaining fame for my skills ... But because I almost fail from my last mission ... They ga...